Sam Concepcion on ex-girlfriend Jasmine Curtis-Smith: "She's always special to me."

Hindi diretsong masagot ng singer-actor na si Sam Concepcion kung may closure na ba ang hiwalayan nila ni Jasmine Curtis-Smith. Ang sabi lang ng binata, “I feel that’s a little… mahirap, mahirap sagutin yun. A, things like this siguro, it takes a lot of time.”


Kamakailan ay lumabas ang balitang nagkabalikan diumano ang dating magkasintahang sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis-Smith, pagkatapos nilang maghiwalay noong January 2015.

Read: Jasmine Curtis-Smith and Sam Concepcion break up

Ngunit ayon sa Kapamilya singer-actor, walang katotohanan ang balitang nagkabalikan sila.

Pero nananatili raw silang magkaibigan ng ex-girlfriend.

Sabi ni Sam, “We have the same circle of friends, magkakaibigan… na magkakabarkada.”

Sa tanong kung may closure na ba ang kanilang hiwalayan, napabuntung-hininga muna si Sam bago sumagot.

Sabi niya, “I feel that’s a little… mahirap, mahirap sagutin yun.

“Things like this siguro, it takes a lot of time.

"So, right now, focus naman kami sa mga sarili namin at sa mga trabaho namin.

"And everything is good and well.”

Sa kabilang banda, hindi naman niya ikinakaila na may komunikasyon pa rin sila hanggang ngayon ni Jasmine.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Sam sa presscon ng Your Face Sounds Familiar Season 2, ngayong Huwebes ng hapon, September 3.

Ginanap ang presscon sa 13th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN, sa Quezon City.



“SHE’S ALWAYS SPECIAL TO ME.” Ayon pa kay Sam, nananatiling espesyal para sa kanya ang dating nobya.

“Of course. She’s always special to me, no doubt about that.”

Hindi rin daw masasabing nabawasan ang pagmamahal niya kay Jasmine.

Sabi ng 22-year-old singer, “Hindi mo naman masasabing mababawasan ang isang bagay.

“Parang kung mahilig ka sa kunyari sa cupcake… kung mahilig ka sa isang bagay, you always… ganun, e.

"Parang it’s part of you na."

Pareho pa ring single sina Sam at Jasmine ngayon. May posibilidad kayang magkabalikan sila?

Tugon ni Sam, “When someone is that important to you, hindi mo naman kayang… kasi part na yun sa iyo, e.

"Just as much as she became a big part of me, and still is, di ba? Andun na yun, e, nasa pagkatao mo na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi mo naman basta-basta… hindi mo naman matatanggal sa sarili mo yun.

"It’s like, parang may tatanggalin ka sa personality mo na…

"Sa tingin ko, it doesn’t work that way, e."

Nitong mga nakaraang buwan, matapos silang naghiwalay, may mga balitang diumano'y nakikita si Jasmine na may ka-date na ibang lalaki. Hindi ba siya nasasaktan dito?

Sagot ni Sam, “Well, yung mga nababalitaan ko naman, I always take it with a grain of salt.

"Kasi, hindi naman natin alam na minsan, gumagawa lang naman talaga yung mga tao ng isyu, para may mapag-usapan lang, para may mga taong masaktan.

“Hindi naman... ako, alam ko na hindi ako dapat madaling madadala sa mga ganung bagay.

"And ako, kilala ko naman siya, e."



YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR. Samantala, sa panibagong season ng hit reality show na Your Face Sounds Familiar (YFSF), ano sa palagay ni Sam ang magiging edge niya sa kanyang mga kalaban?

Bukod kay Sam, kabilang din sa contestants ngayong season sina Denise Laurel, Eric Nicolas, Kean Cipriano, Myrtle Sarrosa, Michael Pangilinan, Kakai Bautista, at KZ Tandingan.

Tugon niya, “Edge? A, siguro kumportable akong kumanta at sumayaw. That’s my strength.

“My weakness naman, kung bibigyan ako ng isang artist na tatayo lang ako dun at hindi gagalaw.

"Kasi magalaw talaga ako, yun yung magiging challenge sa akin at alam kong darating yun."

Mapapanood ang YFSF Season 2 simula September 12 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN