Myrtle Sarrosa finally moves on from breakup with Brian Poe Llamanzares

Isa raw sa mga dahilan kung bakit naka-move on na si Myrtle Sarrosa sa hiwalayan nila ni Brain Poe Llamanzares ay ang pagiging contestant niya sa Your Face Sounds Familiar Season 2. Sabi ng 20-year-old cosplayer turned actress, “Laging masaya with them and I’m so thankful na part ako ng Your Face Sounds Familiar.


“Alam mo, hindi na ako nakakaramdam ng lungkot.”

Ito ang deklarasyon ni Myrtle Sarrosa kaugnay ng hiwalayan nila ng news reporter at anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares.

Read: Myrtle Sarrosa confirms breakup with Brian Poe Llamazares

Pagpapatuloy ng 20-year-old Star Magic Angels member, “Every day, masayang-masaya ako because of these people, palagi nila akong pinapatawa.

“Laging masaya with them and I’m so thankful na part ako ng Your Face Sounds Familiar.

Isa si Myrtle sa walong contestants ng bagong season ng Your Face Sounds Familiar na muling mapapanood simula sa September 12.

Ang iba pang kasali sa show ay sina Sam Concepcion, Denise Laurel, Eric Nicolas, Kean Cipriano, Michael Pangilinan, Kakai Bautista, at KZ Tandingan.

Ginanap ang presscon para sa show ngayong Huwebes, September 3, sa 13th floor ng ELJ Building, sa loob ng ABS-CBN compound.

LOVELIFE IS NOT HER PRIORITY. Sa ngayon daw, maayos na ang lagay ng puso ni Myrtle.

“Yes, I can finally say na I’ve moved on and I’m so happy.”

Kung magkakasalubong sila ni Brian isa sa mga araw na ito, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?

Sagot ng 2012 Pinoy Big Brother Teen Edition Big Winner, “Wala. I would just tell him na, ‘Thank you for being part of a chapter of my life.’

“Tapos ngayon, I have moved on to something better.”

Sa ngayon kaya ay wish niyang makahanap ng bagong pag-ibig?

Natatawang tugon ni Myrtle, “Wala, hindi ko na priority!

“Actually, yung lovelife, hindi ko na priority.

"Gusto ko lang talaga mag-have fun and enjoy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN