Vic Sotto and Pauleen Luna want private wedding ceremony in December, says Lolit Solis

Wala umanong planong sumailalim sa pre-nuptial agreement ang newly-engaged couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna, ayon sa manager ng actress-TV host na si Lolit Solis.


Nakatakdang magpakasal sa December sina Vic Sotto, 61, at Pauleen Luna, 26, na halos apat na taon nang magkarelasyon ngayon.

Ito ang pahayag ng manager ni Pauleen na si Lolit Solis, ayon sa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol kagabi, September 3.

Nito lang nakaraang Miyerkules, September 2, kinumpirma ni Vic ang tungkol sa engagement nila ni Pauleen.

Read: Vic Sotto confirms engagement with Pauleen Luna: "Yes, we are."

Hindi man nagbigay ng detalye ang Eat Bulaga! host ukol dito, napag-alamang nag-propose si Vic kay Pauleen pagbalik ng comedian-TV host mula sa Hong Kong trip nito kamakailan.

Ayon pa kay Lolit, plano ng engaged couple na magdaos ng isang pribadong Catholic wedding ceremony bago magtapos ang taon.

Posible rin umanong idaos ang kasal nina Vic at Pauleen sa ipinagawang bahay ng dalawa sa Laguna.

Inihayag din ni Lolit na walang planong sumailalim sa prenuptial agreement ang couple.

Sa ngayon, nakatakdang mamili si Pauleen ng ready-made wedding gown na idinisenyo ni Monique Lhuillier o ni Vera Wang sa U.S.

Noong September 2, lumipad patungong U.S. ang 26-year-old actress-TV host upang makapiling ang mga kaanak.



APPROVAL FROM VIC'S CHILDREN? Samantala, tila aprubado ng mga anak ni Vic ang nakatakda nitong pagpapakasal kay Pauleen.

Ito ay sa kadahilanang bago pa man inanunsiyo ni Vic ang engagement nila ni Pauleen ay ipinaalam na umano ng comedian ang tungkol dito sa kanyang mga anak na sina Oyo, Danica, Vico, at Paulina.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June, nabanggit ni Danica na walang problema sa kanya kung sakaling magdesisyon ang ama at si Pauleen na lumagay sa tahimik.

Aminado si Danica na noong nag-uumpisa pa lang ang relasyon ng dalawa ay kinuwestiyon niya ang malaking age gap sa pagitan nina Vic at Pauleen.

Ngunit kalaunan ay nasaksihan daw ni Danica na “kuntento” ang kanyang ama kay Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita ko rin naman kay Pauleen na masaya siya at inaalagaan niya si Dad at napapasaya siya ni Dad.

“Ang prayer ko lang naman, actually… no doubt about the present, e.

“Ang pinagpi-pray ko, yung future. Sana ma-sustain yung ganoong klaseng love.

“Kasi ako, hindi na ako nagda-doubt sa pagmamahal nila sa isa’t isa ngayon.

“Ang prayer ko is, sana hanggang till death do us part na ito.”

Read: Danica Sotto hopes Vic-Pauleen relationship will last "till death do us part."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN