Rica Peralejo apologizes for false accusation against St. Luke's nurses

An excerpt from Rica Peralejo's letter of apology to St. Luke's nurses: “Forgive my ignorance for calling medical secretaries nurses in a post stating my discontent with St. Luke’s. I really did not mean to get at you, but more the hospital for policies that allow such but I see that it has gotten out of hand."


Humingi ng dispensa si Rica Peralejo sa nurses ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa Global City, na tinawag niyang “unprofessional” at kasalukuyang umaani ng pambabatikos mula sa netizens.

Ito ay matapos mapag-alaman ni Rica na hindi pala "nurses" ng naturang ospital kundi "medical secretaries" ng independent clinics na nakabase sa St. Luke’s ang nagpakuha ng litrato sa kanya.

Kaugnay ito ng insidente kung saan naglabas ng hinaing si Rica sa social media tungkol sa abalang tinamo niya, nang siya ay sumailalim sa medical check-up sa SLMC Global noong Miyerkules, September 2.

Read: Rica Peralejo expresses dismay over hospital staff's unprofessionalism

Pahayag ni Rica sa kanyang Facebook post kagabi, September 3:

“I apologized to the nurses who got hurt because hindi naman [pala] nurses ang mga nagpakuha sa akin.

“I did not know that then and my bad was that I did not correct the info soon as I found out.

“Though it was never my intention to hate on them, I think some threads started to bash them, too, and that is when I got concerned.

“So here is my apology to the dear nurses. And admittance that I should have done otherwise.”

Bukod dito ay naglabas si Rica ng blog post, kung saan inamin niyang naging padalus-dalos siya sa paghayag ng reklamo laban sa staff ng SLMC Global.

Ayon kay Rica, ang tanging intensiyon niya lamang ay itama ang polisiya ng ospital pagdating sa privacy ng mga pasyenteng nagpupunta roon.

Hindi kasi nagustuhan ni Rica na isa-isang nagpa-picture sa kanya ang inakala niyang “nurses” ng naturang ospital, gayong nauna na niyang sinabi sa mga ito na magpakuha na lang sila ng group photo.

Paliwanag pa ni Rica sa kanyang blog post kagabi, September 3:

“The very first song my son’s ever liked is the one from Book of Life called ‘The Apology Song’ and I am attaching it here with a sincere apology to all the nurses who got so emotionally charged with my mistake of calling them out on social media, especially the ones from St. Luke’s, since I now see how bad it got from the other threads.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Forgive my ignorance for calling medical secretaries nurses in a post stating my discontent with SLMC Global.

“I really did not mean to get at you, but more the hospital for policies that allow such but I see that it has gotten out of hand. Intention aside, I accept this was a consequence of an action I could have thought about thrice or four times even before doing.

“Some of you were right. I should have immediately clarified those were not nurses and I was not able to do that.

“The Instagram post that I made was not enough to retract the scale of how this just went all over crazy online.

“So here I am making it clear : NOT NURSES but probably med secs, or staff of doctors in the clinic as clarified by SLMC Global, and I am sorry for not being clear about that!!!

“So do accept my peace offering?”



ON BASHERS. Sa kabilang banda, hindi raw inasahan ni Rica na pag-uugatan ng kontrobersiya ang kanyang Facebook post.

Lalo pa’t marami sa netizens na nakikisampatiya kay Rica ang patuloy na nambabatikos sa nurses ng St. Luke’s.

Habang ang ibang netizens ay nagpahayag ng disgusto sa reklamo ni Rica laban sa mga nagpakuha ng larawan sa kanya.

Pahayag ni Rica, "If you also want to know why I did not do this right away is because I really didn’t think the nurses were mad at me because of my post but more like the headlines.

"But seeing some really got offended, I knew I had to post this at least.

"I was so concentrated on such policies and companies that it escaped me that individuals were affected. So again, sorry!!!"

Sa huli, nilinaw ni Rica na napag-alaman niyang walang napagalitan o natanggal sa trabaho na staff ng SLMC Global dahil sa nangyaring insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "PS : no nurse got fired or reprimanded by the way because they immediately figured it did not happen in the main hospital; also, SLMC’s policy is to sanction at first offence, and not unemploy harshly."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN