(UPDATED) #ALDUBBATTLEForACause sets new record on Twitter; reaches 5.8M mark

The AlDub fever heats up as #ALDUBBATTLEForACause reached more than 5.8M tweets.


Sumira na naman ng panibagong record ang hashtag para sa AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Ang hashtag na #ALDUBBATTLEForACause ay umabot sa mahigit 5.8 million tweets nitong Sabado, September 5.

Ito na ngayon ang may pinakamaraming bilang ng tweets, sa loob ng 24 hours, sa kasaysayan ng Pilipinas.

Pinag-usapan nang husto sa Twitter ang unang pagkikita nina Alden at Yaya Dub pagkatapos ng kanilang showdown sa "Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More" wildcard edition ng Eat Bulaga! kahapon ng tanghali.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza finally meet but only briefly

Hindi pa man umeere ang Eat Bulaga! kahapon ay umabot na sa 1 million ang tweets para sa #ALDUBBATTLEForACause bandang 9 A.M.; at umakyat ito ng 2 million bandang 12 noon.

Pagdating ng 2 P.M. ay nagtala ito ng 842k tweets sa isang oras o 14K tweets per minute, na siyang pinakamataas na tweets sa loob ng isang oras sa Pilipinas.

Pagkatapos ng show, bandang 2:30 P.M., ay nagtuluy-tuloy na ito hanggang sa umabot ng mahigit 5.8 million tweets sa pagtatapos ng araw ng Sabado.

Top trending topic ang #ALDUBBATTLEForACause nationwide at worldwide; at naging trending topic din sa mahigit 60 bansa.

Bunga ng pag-abot sa 5M tweets ng nasabing hashtag ay naging trending topic din sa Twitter ang hashtag na #FIVE MILLION.

Ang more than 5.7M tweets na ito para sa #ALDUBBATTLEForACause ang sumira sa record na naitala ng isa pang AlDub hashtag, ang #ALDUBMaiDenHeaven, noong lamang nakaraang Sabado, August 29.

Binasag ng #ALDUBMaiDenHeaven ang dating record na naitala ng #Papal Visit, 3.34 million tweets, noong January 2015.

Read: #ALDUBMaiDenHeaven surpasses #PapalVisit on most tweets in the Philippines

Agad namang nagpaabot ng pasasalamat sina Alden at Maine, sa pamamagitan ng Twitter, sa panibagong record na naitala ng kanilang loveteam sa Twitter:

And again.....history has been made. #ALDUBATTLEForACause #AlDubnation. To God be the glory. Ÿ™ŒŸÂ? pic.twitter.com/hwspXZgwgf

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 5, 2015

What? 5M?!?! Wala ako masabi sa AlDub Nation! Happy ako dahil parte ako ng pamilyang to. Maraming salamat every juan! #ALDUBBATTLEForACause

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 5, 2015

Nagpaabot din ng pagbati sa AlDub Nation ang mga kasamahan nina Alden at Maine sa Eat Bulaga:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung MINIONS parang TWO lang, kami FIVE MINION na and still counting! Mabuhay ang EBAK--Eat Bulaga AlDub Kalyeserye! #ALDUBBATTLEForACause

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 5, 2015

Wow, 5 million tweets na!! Ÿ’• Thank you so much ALDUB NATION for the overwhelming support!!! Ÿ’‹ #ALDUBBATTLEForACause

— Pauleen Luna (@PauleenJLuna) September 5, 2015

Dahil dito, nag-5 million tweets ang sambayanang Pilipino! #ALDUBBATTLEForACause pic.twitter.com/nny99l5LjX

— Michael V. GMA (@michaelbitoygma) September 5, 2015

#ALDUBBATTLEForACause reached 5 Million tweets! Maraming maraming salamat mga Dabarkada! AlDubYou!

Posted by Eat Bulaga on Saturday, 5 September 2015

 

MOST POPULAR LOVETEAM TODAY. Ang bagong record na naitala ngayong araw ng #AlDub sa Twitter ang malaking patunay kung gaano kasikat ang tambalan nina Alden at Maine, at kung gaano karami ang sumusubaybay sa kanilang KalyeSerye sa Eat Bulaga.

Halos magda-dalawang buwan pa lamang ang AlDub loveteam, na nabuo sa "Problem Solving" segment ng longest-running noontime show sa bansa noong July 16.

Magmula noong araw na iyon ay sinubaybayan na ng mga manonood ang kanilang pagkikita at pagpapakilig sa pamamagitan lamang ng split screen, Dubsmash, at fan signs.

Hanggang dumami na nang dumami ang hukbo ng kanilang mga tagahanga, hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba't ibang panig ng mundo kung saan may mga Pinoy.

Itinuturing na ngang isang phenomenon ngayon ang AlDub.

Hindi rin maipagkakaila na dahil sa tagumpay ng AlDub at ng kanilang KalyeSerye, sina Alden at Maine ang biggest attraction ngayon sa Eat Bulaga.

Maging ang mga kasamahan nila sa noontime show ng GMA Network ay ina-acknowledge ito sa pamamagitan ng pagbibigay-suporta sa kanila; partikular na ang veteran hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Kapansin-pansin din ang espesyal na pagpapakilalang ginagawa ng Eat Bulaga! kay Alden sa simula ng programa.

Kung ang ibang hosts ay lumalabas na agad nang di ipinapakilala, si Alden ay palaging hinuhuli at binibigyan ng special introduction.

Idagdag pa rito ang haba ng exposure niya sa loob ng dalawang oras na running time ng Eat Bulaga araw-araw, kung saan napapanood siya sa ilang segments ("That's My Bae" at "KalyeSerye").

Hindi rin matatawaran ang pag-aalagang ginagawa ng veteran Eat Bulaga! hosts kay Maine, na nagsimula sa show bilang yaya o alalay ni Wally Bayola o Lola Nidora sa "Problem Solving."

Ito ay dahil na rin sa kakaibang energy na hatid ni Maine sa programa, sa pamamagitan ng pagda-Dubsmash, pagsasayaw, at pagpapapangit sa sarili kahit na likas siyang maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN