Carla Abellana, Tom Rodriguez admit being fans of #AlDub loveteam

Aminado ang napapabalitang magkarelasyon na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na nahuhumaling din sila sa tambalang AlDub ng “Kalyeserye” segment ng Eat Bulaga! Natural daw kasi ang dating ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.


Bukod sa milyun-milyong ordinaryong Pinoy na sumusubaybay sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga!, marami ring celebrities na hindi nahihiyang amining tagahanga rin sila ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Kabilang sa kanila ang Kapuso stars at rumored couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Pahayag ni Carla tungkol sa sikat na sikat na tambalang AlDub, “Napaka-natural, napakasaya. Walang makakapagtanggi talaga.

"Tsaka walang taong hindi kinikilig at hindi natutuwa sa kanila. Parang united lahat."

Ayon naman kay Tom, “Kapag mapunta ka sa channel na yun, kapag saktong Eat Bulaga, 'Kalyeserye,' hindi ka na mapapalipat."

Dagdag ni Carla, “Tahimik lahat, nanonood kasi lahat.”

Ibinulgar naman ni Tom kung gaano kabaliw ang napapabalitang nobya sa tumi-trending araw-araw na segment ng longest-running noontime show sa bansa.

Sabi ng Marimar star, “Ikinukuwento niya, natatakot daw siya na katukin siya ng kapitbahay kasi sumisigaw siya.”

Banggit naman ni Carla, “Kasi sumisigaw ako, tumitili ako.”

Katunayan, nitong nakaraang Sabado, September 5, hindi raw pinalampas ng Kapuso star ang naturang segment.

Sa nasabing episode noong Sabado, saglit na nagkita ang dalawang karakter sa "Kalyeserye" matapos silang mag-showdown sa wildcard edition ng “Bulaga Pa More.”

Read: Alden Richards and Maine Mendoza finally meet face to face

Kinikilig na kuwento ni Carla, “Oo, kahapon, tili ako nang tili!

"Sabi ko, ‘Naku, baka katukin ako ng kapitbahay, nagwawala ako dito sa bahay!’”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Carla at Tom sa premiere ng pelikulang Heneral Luna, na ginanap sa Cinemas 8 and 9 ng SM Megamall, sa Mandaluyong City, Linggo ng gabi, September 6.



DATE NIGHT? Ang Heneral Luna, na pinagbibidahan ni John Arcilla, ay kuwento ng buhay at pakikipaglaban ni General Antonio Luna laban sa mga Amerikano noong 1898.

Sina Carla at Tom ba ay mahilig sa history o historical films?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Carla, “History? Ako mahilig ako sa history ever since high school pa.

"Pero, more than anything, si Jerrold [Tarog] talaga ang sinusuportahan ko.

“I was invited by Jerrold, so excited na ako mapanood yung movie kasi another masterpiece na naman niya.”

Ayon naman kay Tom, mahilig siya sa mga magagandang special effects sa pelikula. Kaya noong mapanood daw niya ang trailer ng Heneral Luna ay na-curios siya rito.

Aniya, “Kaya when I see the film, the epic scope of it sa trailer pa lang, na napakaganda nung dating nung trailer.

"I saw the making of… on how they did the post-production.

"And I was very impressed how they took the time even the set kaya very excited ako."

Matagal-tagal na ring usap-usapan ang special relationship nina Carla at Tom, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin ang dalawa.

Ang panonood ba nila ng Heneral Luna ay parang date na rin nila?

Sagot ni Carla, “Di naman, kasi hindi namin plinano talaga, e.

"Ngayon lang, halos muntik pang hindi matuloy.

"Si Tom, galing pang work, so ano siya... hindi siya planado talaga. Nagkataon lang."

Napansin naman ng PEP na malaki ang ibinawas ng timbang ni Carla. Nitong mga nakaraang buwan, ilang bashers nito sa Instagram ang binatikos ang kanyang pagdagdag ng timbang.

Paano nga ba siya nagpapayat?

Natatawang sagot ng dalaga, “Suicide sa gym!

"Hindi naman siya araw-araw, mga three times a week, yung tipong gumagapang ka na pauwi sa hirap at pagod."



CARLA SUPPORTS MARIMAR. Samantala, ipinagbunyi naman ng buong cast and crew ng primetime soap na Marimar ang overwhelming support ng mga manonood sa unang linggo nito sa ere.

Sabi ni Tom, na gumaganap bilang Sergio sa show, “I’m very happy sa suporta ng mga tao.

“Tinatangkilik nila yung show namin and very happy ako sa pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I’m very happy with the people I’m working with. I love the production."

Sabi ni Carla, kung may pagkakataong wala siyang trabaho, pinapanood niya ang teleserye bilang suporta kay Tom.

“Yes, hangga’t ano naaabutan ko siya sa bahay, pinapanood ko talaga.

"Magaan lang, e, magaan lang yung story, mabilis yung pacing.

“Siyempre maganda yung cinematography, so okay naman siya.

"Cute siya, napapanood ko kapag nasa bahay, naabutan ko siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN