Vandolph Quizon supports mom Alma Moreno’s plan to run for senator; happy about Zsa Zsa Padilla's engagement

Suportado ni Vandolph Quizon ang plano ng inang si Alma Moreno na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na 2016 elections. Hirit pa ng anak ng yumaong Comedy King, parang nagkakasakit ang ina kapag walang ginagawa.


Kinumpirma ni Vandolph ang pagtakbo ng kanyang ina na si Parañaque City councilor Alma Moreno sa Senado sa 2016 elections.

“My mom is gonna run for senator, yeah... under [Vice President Jejomar] Binay.

“Okay naman siya.

"Maysakit siya, ang nagpapalakas sa kanya ay yung makakita ng maraming tao.

“Basta may ginagawa, malakas yun.

"Kapag walang ginagawa magkakasakit yun, e."

Bilang anak, suportado raw ni Vandolph ang ina sa pagtakbo nito sa mas mataas na posisyon.

“Of course, as a son, lagi akong nandiyan para sa nanay ko.

“Kung anuman ang gusto niya, basta masaya siya, susuportahan ko siya.”

Si Vandolph ang nag-iisang anak ni Alma sa yumaong Comedy King na si Dolphy.

Nakausap ng PEP. Ph (Philippine Entertainment Portal) si Vandolph sa premiere ng epic movie na Heneral Luna, Linggo ng gabi, September 6, sa SM Megamall.

Sinusuportahan ni Vandolph ang kapatid na si Epy Quizon na bahagi ng pelikula tungkol sa buhay ni General Antonio Luna.



ZSA ZSA’S ENGAGEMENT. Muli namang iginiit ni Vandolph na masaya siya na nahanap na ng kanyang stepmother na si Zsa Zsa Padilla ang lalaking muling nagpatibok ng puso nito.

Si Zsa Zsa ay ang longtime partner ni Dolphy, hanggang sa namayapa ang Comedy King noong 2012.

Nakatakdang ikasal si Zsa Zsa sa arkitektong si Conrad Onglao sa 2016.

Read: Zsa Zsa Padilla engaged to architect boyfriend Conrad Onglao

Sabi ni Vandolph, “I’m happy for her.

"Masaya ako na nahahanap na niya yung taong magpapasaya sa kanya.

“Of course, masaya ako dahil alam kong masaya din ang tatay ko para sa kanya.”

Hindi ba siya nagkaroon ng sama ng loob na may ipinalit na si Zsa Zsa kanyang ama?

Sagot ng komedyante, “Of course... of course not.

"Noong una, medyo siyempre.

“Pero, of course, kailangan ding sumaya ni Tita.

"Life must go on, so respetuhan. I support her all the way."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DOLPHY’S PROPERTIES. Nitong mga nakaraang linggo, balitang ang mga naiwang ari-arian ni Mang Dolphy ay paghati-hatian ng lahat ng mga anak nito matapos itong maibenta. Pero natigil ang auction ng mga ito.

Paglilinaw ni Vandolph, “Hindi naman itinigil [ang auction], nagkaroon lang ng aberya.

“Nag-usap kaming magkakapatid na, ‘Parang ayaw ‘ata ni Erpat gawin ‘to, a,’ so hindi na namin pinilit.”

Ano na ang balita sa gagawing Dolphy Museum?

“Yung museum, alam ko, tuloy pa rin yung proseso sa Taguig, kay Mayor Lani Cayetano.

"Si Epy yung umayos dun," sabi ni Vandolph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN