Alden Richards reveals his thoughts about meeting Maine Mendoza five days before their face-to-face encounter

Alden Richards shares his thoughts about Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub on #AldenonPEPtalk, hosted by PEP associate editor Erwin Santiago and staff writer Rachelle Siazon. Catch Alden's guest appearance on PEPtalk on September 9!


Hindi planado ni Alden Richards ang reaksiyon niya nang una silang magkaharap ni Maine Mendoza, a.k.a. Yaya Dub, sa September 5 episode ng Eat Bulaga! Kalyeserye.

Limang araw bago naganap ang kanilang unang pagkikita, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa taping ng PEPtalk, na ginanap sa GMA Studio 7 dining hall noong August 31.

Dito ay tinanong si Alden ng PEP associate editor na si Erwin Santiago kung ina-anticipate ba niya yung moment na magkikita na sila ni Yaya Dub, at kung ano ang magiging reaksiyon ng Kapuso actor-TV host.

Sagot ni Alden, “No. Like the Kalyeserye, I would like it to be on the spot.

"I don’t want to overthink things because that would ruin the moment."

Pagsapit ng Sabado, naganap na nga ang pinakahihintay ng Kalyeserye fans nang sa wakas ay magkita na sina Alden at Yaya Dub sa loob ng Eat Bulaga! studio sa Broadway Centrum.

Ito ay sa kadahilanang parehong lumahok sina Alden at Maine sa Wildcard Edition ng “Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More” segment ng Kapuso noontime show.

Base sa September 6 episode ng Eat Bulaga!, makikitang kabado si Alden habang hinahanap si Yaya Dub sa loob ng studio.

Tila hindi kasi sila nakasisiguro kung tuluyan na silang magtatagpo noong araw na iyon.

At nang sa wakas ay makita ni Alden si Yaya Dub sa backstage ng studio, bahagyang natulala ang Kapuso matinee idol habang nakangiting tinititigan si Yaya Dub.

Habang si Yaya Dub naman ay bahagyang na-conscious ngunit todo pa rin ang pagkakangiti kay Alden.

Nakapagpalitan pa ng flying kiss ang dalawa bago biglang bumagsak ang plywood na humarang sa pagitan nila.

Read: Alden Richards, Yaya Dub finally meet!

Nasundan pa ang palitan nina Alden at Maine ng mensahe sa kani-kanilang personal Twitter accounts.

Read: Alden Richards, Yaya Dub: Nice seeing you!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang first impression ni Alden kay Maine? Ano ang pinakanagustuhan ni Alden kay Maine? Magkakaroon ba sila ng pelikula o ibang proyekto bago matapos ang taon?

Abangan ang iba pang rebelasyon ni Alden sa #AldenonPEPtalk dito sa PEP.ph, simula sa September 9!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN