Alden Richards on first meeting with Maine Mendoza: "Ang sarap sa feeling, masaya..."

Alden Richards on success of Eat Bulaga's Kalyeserye: “Nakakatuwa na ang Kalyeserye ang nagiging way ng mga Pilipino para magkaisa… Nagkakaisa tayo sa mga ganyan, ‘no, para kiligin, matuwa. Siyempre, higit sa lahat, matuto ng lessons kay Lola Nidora. That’s the main purpose…”


Ibinabalik ni Alden Richards ang pasasalamat sa AlDub Nation— ang hukbo ng mga tagahanga ng AlDub loveteam—dahil umabot sa 5.8 million tweets ang hashtag na #ALDUBBATTLEForACause noong Sabado, September 5.

Noong araw na iyon naganap ang unang pagkikita nang malapitan nina Alden at Yaya Dub o Maine Mendoza sa inaabangang Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza finally meet face to face

Sa episode ng GMA noontime show ngayong araw, September 7, nagpasalamat si Alden sa lahat ng mga tagasuporta ng kanilang tambalan ni Maine at ng Eat Bulaga.

Pahayag ng Pambansang Bae, “Walang ibang dapat ipagpasalamat diyan kundi sa AlDub Nation, sila ‘yan.

“Sa lahat ng mga supporters po, maraming-maraming salamat.

“Kayo ang dahilan kung bakit gumagawa ng history ang Kalyeserye at ang Eat Bulaga.

“Maraming salamat po!”

Dagdag pa niya, “Nakakatuwa na ang Kalyeserye ang nagiging way ng mga Pilipino para magkaisa…

“Nagkakaisa tayo sa mga ganyan, ‘no, para kiligin, matuwa.

“Siyempre, higit sa lahat, matuto ng lessons kay Lola Nidora. That’s the main purpose…”

Si Lola Nidora ang ginagampanang papel ni Wally Bayola sa Kalyeserye.



FIRST MEETING. Kanina rin sa Eat Bulaga! ay hindi nakaligtas si Alden sa panunukso ng co-host niyang si Sam YG.

Pinansin ni Sam ang pagiging “blooming” ni Alden, dalawang araw pagkatapos ng pagkikita nila ni Maine.

Sabi lang ni Alden, “E, alam mo na…”

Pagkatapos nito ay direktang tinanong ni Sam si Alden ng gustong malaman ng halos lahat: Ano ang kanyang naramdaman nang una niyang nasilayan si Maine?

Nakangiting sagot ng Kapuso heartthrob, “Iba yung pakiramdam, e.

“Alam mo yung… yung for the past seven weeks, nakikita mo lang siya sa TV, tapos nakita mo siya sa personal.

“Ang sarap sa feeling, masaya, parang ganun.”

Nang tanungin naman kung ang pag-iyak ba niya noong Sabado ay ‘tears of joy,’ sabi ni Alden, “Eto lang sagot ko diyan...” sabay pabebe wave.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan din ng mensahe ni Sam si Alden sa ‘plywood’ na humarang sa kanila ni Maine nang maglalapit na sila.

Sa tonong parang si Lola Nidora at Babalu, sabi ni Alden: “Wow, ayun na, e! Bumagsak ka pa, magkikita na, e!”

Sa huli ay hiningan din ng mensahe ni Sam si Alden para kay Maine.

“It was nice seeing you…” nakangiting sabi ni Alden, sabay pabebe wave ulit.



HIGH RATINGS. Samantala, maliban sa 5.8 million tweets na nakuha ng #ALDUBBATTLEForACause, nagtala rin ng napakataas na rating ang episode ng Eat Bulaga! noong Sabado.

Ayon sa overnight ratings ng AGB Nielsen sa Mega Manila households, nakakuha ng 39.5% ang noontime show ng Kapuso network; kumpara sa 8.7% na nakuha ng kanilang katapat na programa sa ABS-CBN, ang It’s Showtime.

Bukod dito, patuloy rin ang pagdagsa ng blessings para kina Alden at Maine.

Sunud-sunod ang offers sa kanila para maging endorsers; kabilang na rito ang isang sikat na fastfood chain at isang telecommunication company.

At kahit halos dalawang buwan pa lamang nabubuo ang kanilang loveteam, pinarangalan na ang AlDub bilang Most Popular Breakout Loveteam of the Year ng EdukCircle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN