Jasmine Curtis-Smith defends Brian Poe Llamanzares's surprise appearance at her presscon

Jasmine Curtis relates to her character as Audrey in My Fair Lady, "Kasi rock siya... but once you break through it, you’ll see her soft spot. You’ll see that it’s a very, very sensitive spot na to some extent, I know how she feels.”


Ikinagulat ni Jasmine Curtis-Smith ang biglaang pagdating ng anak ni Senator Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares sa presscon ng My Fair Lady noong September 3.

Ang My Fair Lady ay ang pagbibidahang teleserye ni Jasmine sa TV5, kung saan kapareha niya sina Luis Alandy at Vin Abrenica.

Read: Brian Poe Llamanzares surprises Jasmine Curtis-Smith at her presscon

Kuwento ni Jasmine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagulat lang ako.

“I really had no idea, nag-blank lang ang utak ko, 'What’s happening?'

“Ganun po talaga ako kapag nagugulat sa mga bagay-bagay.

“Wala akong masasabi, wala akong maiisip, nag-i-stop yung buong process mo.

“Okey, okey, ano ba talaga ang reaction ko… unsettled.”

IN BRIAN’S DEFENSE. Unang pagkakataong magkita sila ni Brian sa presscon ng My Fair Lady, sa Manila Peninsula noong September 3, pero inamin ni Jasmine na may mga nagbabanggit na rin sa kanya na crush sa kanya siya ng anak ni Senator Grace.

“Pero siyempre, marami namang nang-e-etchos na, 'Uy, type ka raw ni ganyan.'

“Whatever, parang naggaganun-ganun ka lang.

“Yung pinapa-good mood niyo lang naman ako ngayon, alam mo yung kapag pagod ka?

“Ngayon kasi, very shutout ako sa outside world.

“Kung ano yung nasa harap ko, yun ang binibigyan ko ng atensiyon.

“Wala, deadma, akala ko nga ang surprise ko, may pa-raffle.”

Yun bang pagsorpresa ni Brian sa kanya at pagpapahayag nito sa media ng paghanga sa kanya, plus points ba o minus points?

“Hindi ko alam,” sambit ni Jasmine.

“Hindi naman minus points kasi, obviously, gusto niyang ipakita sa lahat ng tao na gusto ka niya, di ba?

“Hindi ko alam, wala akong alam sa ganyan ngayon, promise!”

Ang nakakaalam sa pagdating ni Brian sa presscon ng My Fair Lady ay ilang tao lang sa likod ni Jasmine.

Pero nang makausap namin ang manager niyang si Betchay Vidanes, itinanggi nitong naiinip nang makahanap muli ng bagong mamahalin ang kanyang alaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Jasmine, “I think it’s more of that they see something that I don’t see.

“Kahit naman hindi sa ganitong setting mangyari ‘yan, mga barkada mo sine-set-up ka nila sa ibang kaibigan nila.

“Ganun lang naman talaga yun, it just so happened that it’s here.”

Idinepensa naman ni Jasmine ang opinyong ng ilan sa pagdating ni Brian sa presscon niya, na parang nabahiran daw ito ng pulitika.

“Of course, people will say that.

“I don’t think it’s fair to judge someone based on their social background, di ba?

“Kung sabihin niyo rin naman na nakulayan yun ng promo for my show, di ba?

“There are so many angles that you can make of that scene.

“Unfair rin naman to judge him for that.”



HAPPY. Nakapag-move on na ba siya sa naging breakup nila ng dating boyfriend na si Sam Concepcion?

“Time heals all things, parang sugat lang ‘yan,” nakangiting tugon ni Jasmine.

Kumusta na ang sugat niya, mababaw na ba o malalim pa rin?

“Wala naman po akong sugat ngayon!” natawa niyang sabi.

At saka nakiusap itong, “Huwag na lang po nating pag-usapan.

“May sarili siyang mundo, may sarili akong mundo.

“Kawawa naman kapag in-involve pa natin, di ba?”

Masaya naman siya ngayon?

“Opo, okey naman ako ngayon, masaya naman ako.

“May trabaho ako, so okey ako.

“Masaya ako sa pamilya ko, masaya ako sa mga kaibigan ko.

“Sobrang saya ako sa mga kaibigan ko ngayon.”

MY FAIR LADY. Ang Jasmine pa ang huling seryeng ginawa ni Jasmine sa TV5, na sinundan ng programa ng dance show na Move It.

Ngayon ay muli siyang mapapanood sa teleserye, sa pamamagitan ng Pinoy adaptation ng Korean series na My Fair Lady.

Sa Lunes, September 14, na ang simula nito kapalit ng Baker King.

Excited daw si Jasmine sa My Fair Lady.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just quite excited on how people will response to my portrayal of the character.

“Kasi, once lang akong naging bitch sa character ko, ngayon full-time bitch na ako.

“And also to break that rock na nasa harap ni Audrey [her character in the series].

“Kasi rock siya, e, pinapakita niya na wala kayo riyan.

“Kahit ayaw niyo sa attitude ko, bahala kayo riyan.

“But once you break through it, you’ll see her soft spot.

“You’ll see that it’s a very, very sensitive spot na, to some extent, I know how she feels.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN