Dennis Padilla hopes for favorable judgment in daughters' petition to change their surname

Dahil sa gag order, umiwas si Dennis Padilla na pag-usapan ang merito ng petisyon na isinampa ng dalawa niyang anak na sina Julia at Claudia Barretto. Ito ay may kaugnayan pa rin sa hiling ng kanyang mga anak sa korte na palitan ang kanilang apelyido mula Baldivia sa Barretto. Kasama ni Dennis sa larawang ito ang kanyang partner na si Linda Marie Gorton.


Dumalo ang comedian na si Dennis Padilla, kasama ang live-in partner niyang si Linda Marie Gorton, sa premiere ng pelikulang Heneral Luna noong Linggo ng gabi, September 6, sa SM Megamall Cinema.

Ito ay bilang suporta niya sa mga kaibigan na bahagi ng cast ng pelikulang hango sa pakikipaglaban ni General Antonio Luna noong Philippine-American war nung 1898.

Kahit atubiling magbigay ng panayam, napakiusapan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis na magbigay ng reaksiyon sa mga bagong pahayag laban sa kanya ng dating asawa na si Marjorie Barretto.

Sa naunang panayam ng PEP kay Marjorie, sinabi nitong ipinagtataka niya kung bakit nagbibigay pa rin ng panayam si Dennis sa media gayong mayroon silang gag order.

Ito ay kaugnay ng petisyong inihain sa korte ng panganay na anak nina Dennis at Marjorie, si Julia Barretto, na palitan ang kanyang apelyido mula Baldivia sa Barretto.

Read: Marjorie Barretto defends daughter Julia against Dennis Padilla's accusations

“Hahaba, e, huwag na!” pag-iwas niya noong una.

Ngunit dugtong ni Dennis, “Well, basta ako, ipinaglalaban ko lang yung apelyido ng mga anak ko. Yun lang yun.

“Alam nila mahal ko sila, kaya naman gusto ko ipaglaban ang apelyido ko.”

Bago mag-debut si Julia noong Marso, napag-usapan na raw nilang iuurong na ng young actress ang petisyong palitan ang apelyido nito.

Ano ang nangyari rito?

Tugon ng komedyante, “Yes. Hintayin na lang natin kung ano ang maging judgment ng husgado.

“Mahirap na magsalita, e, kaya hanggang dun na lang muna ngayon.

“Basta ako, ang ipinaglalaban ko, yung family name ng anak ko dahil anak ko sila.

“Si Julia, si Claudia, tsaka si… si Leon naman, wala namang petition, e, yung dalawa lang.”

Ano ang inaasahan ni Dennis na magiging resulta ng laban niyang ito?

Sagot niya, "Well, ang inaasahan ko na, siguro naman, papaburan ako ng husgado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, lahat naman ng judge may tatay din.

“So, nararamdaman nila ang pakiramdam ko.

"Kaya I believe na… inaasahan ko, magkakaroon ako ng favorable judgment mula dun sa humahawak ng kaso."

Pahabol pa niya, “Anyway, Julia, Claudia, Leon, I miss you so much, mahal ko kayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN