Anne Curtis on Jasmine Curtis-Smith's new suitor Brian Poe Llamanzares: "I've never met the guy."

Anne Curtis on Brian Poe Llamanzares's sudden courtship of her sister Jasmine Curtis-Smith: “I really don't know. I'm actually shocked about this news. I've only been seeing it on the news.”


Hindi maiwasang hingan ng reaksiyon si Anne Curtis tungkol sa panliligaw ni Brian Poe Llamanzares sa nakababatang kapatid ng Kapamilya actress na si Jasmine Curtis-Smith.

“I actually can't comment about it because I've never met the guy,” sagot ni Anne nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Kaugnay ito ng hindi inaasahang pagsulpot ni Brian sa presscon ng pinagbibidahang TV5 series ni Jasmine, ang My Fair Lady, noong September 3.

Gayong iyon ang kauna-unahang pagkakataong personal na nagkakilala ang dalawa.

Read: Brian Poe-Llamanzares surprises Jasmine Curtis-Smith at her presscon

Sa ngayon, tila hindi pa nagkakausap sina Anne at Jasmine tungkol sa bagong admirer ng Kapatid actress.

Base na rin ito sa sagot ni Anne nang banggitin sa kanya ng isang TV reporter na tila “agresibo” si Brian pagdating sa kagustuhan nitong mas makilala si Jasmine.

“I really don't know. I'm actually shocked about this news. I've only been seeing it on the news,” sabi niya.

Kung anu't ano man, naniniwala si Anne na hindi na niya kailangang pangunahan ang buhay-pag-ibig ng kanyang nakababatang kapatid.

Sabi pa ng It's Showtime host, “Well, she's old enough na to make her own decisions. But her ate will always be here for her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN