Anne Curtis optimistic amid tougher competition between It's Showtime and Eat Bulaga! due to AlDub fever

Anne Curtis on some fans' overt reaction towards competition between It's Showtime and Eat Bulaga: “But I think everyone just needs to take a chill pill...They can tune in to wherever they wanna tune in. There doesn’t have to be any bashing.”


Positibo ang pagtanggap ni Anne Curtis kaugnay ng mas matinding kumpetisyon sa pagitan ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime at ng Kapuso noontime show na Eat Bulaga.

Si Anne ay isa sa mga co-host ng It's Showtime.

Hindi kaila sa publiko ang consistent top TV ratings ng Eat Bulaga! dahil sa Kalyeserye segment kung saan tampok ang sikat na tambalang Alden Richards at Yaya Dub (a.k.a. Maine Mendoza)—ang AlDub.

Read: AGB Nielsen Mega Manila Ratings (Sept 4-6, 2015): Eat Bulaga holds 9 out of 10 highest rated episodes in 2015 due to AlDub phenomenon


Pahayag ni Anne ukol dito, “Yeah, it's great!

"I think it only goes to show that people are still into noontime shows.

"So, I think it’s great!"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anne sa media launch ng partnership ng Smart at Uber, na ginanap sa Blue Leaf Filipinas, Taguig City, Martes ng gabi, September 8.

Ayon pa kay Anne, hindi maiiwasang magkaroon din ng kumpetisyon sa pagitan ng masugid na manonood ng noontime shows ng magkaribal na TV networks.

Ngunit ang tanging hiling lang ng Kapamilya actress-TV host ay iwasan ng netizens ang magpakalat ng masyadong negatibong feedback sa social media.

Paliwanag ni Anne, “I mean, of course, there is a war now between the fans and everything.

“But I think everyone just needs to take a chill pill.

“And, you know, everyone has their own time naman, e.

“They can tune in to wherever they wanna tune in.

“There doesn’t have to be any bashing.”

Nauna nang inihayag ng It's Showtime co-host ni Anne na si Vice Ganda na pabor siya sa patuloy na "healthy competition" ng kanilang programa laban sa Eat Bulaga.

Ani Vice, "Bago pa naman nagka-AlDub, talagang may kumpetisyon na ang ABS at ang GMA.

“Hindi lang naman Showtime saka Eat Bulaga!."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vice Ganda comments on AlDub fever: "Bago pa naman nagka-AlDub, talagang may kumpetisyon na ang ABS at ang GMA."


LIP SWAK SHOWDOWN WITH RHAP. Samantala, hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Anne tungkol sa "Lip Swak" showdown nila ni Rhap Salazar kamakailan.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang Twitter post ni Rhap tungkol sa disgusto nito sa singers na nagli-lip sync sa telebisyon.

Read: Rhap Salazar slams non-singers who lip sync on TV

Nguit nagbago ang pananaw ni Rhap ukol dito nang mag-perform sila ni Anne sa "Lip Swak" segment ng It’s Showtime noong August 29.

Read: Rhap Salazar tries lip-syncs on TV and he loved it!

Kuwento ni Anne tungkol dito, “I asked him.

"I made sure first, ‘Do you really want to do this?’

"And he said naman, ‘Yeah, I just wanna put it [controversy] behind me.

"I’m just happy that he’s game for the kabaliwan."

Sa ngayon, isa sa mga pinaghahandaan ni Anne ay ang kanyang pasabog performance sa anniversary celebration ng It’s Showtime sa susunod na buwan.

“Kasi nalaman ko na kung sinong kakampi ko.

"Kapag nalaman niyo na kung sinong kakampi ko, [maiintindihan niyo na] malaking adjustment ito for me,” sabi ni Anne, na ayaw munang masyadong magdetalye sa sorpresang handog niya para sa fans ng Kapamilya noontime show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN