Julia Barretto apologizes for snubbing incident in London; explains her side of the story

Julia Barretto: "You can be laughing at me right now, mocking me or thinking this girl is just trying to save herself. This is myself explaining even when I do not even have to, but I am. I am for my fans. I am for myself because I can not take way too much judgement from people who do not know me behind the camera."


Isang mahabang mensahe ang ipinahatid ng Kapamilya young actress na si Julia Barretto sa kanyang Instagram account kaugnay ng isyung pang-iisnab diumano niya ng fans sa London.

Matatandaang kumalat sa Internet kahapon ang video na ipinost sa Instagram ng isang fan sa London, kung saan makikitang lumabas si Julia sa isang building at nang tawagin ng fans ay hindi ito lumingon at dumiretso sa naghihintay na sasakyan.

Kabilang si Julia sa Kapamilya stars na nagtungo sa London nitong weekend para sa pagtatanghal ng ASAP doon.

Dahil dito ay umani ng batikos si Julia mula sa ilang netizens.

Read: Julia Barretto speaks up about alleged snubbing incident in London

Kagabi, September 9, ay nag-post si Julia ng mensahe sa Instagram.

Dito ay humingi siya ng paumanhin kung sa tingin ng ibang fans ay hindi siya nambati o ngumiti man lang.

Sabi ni Julia, "You can tell me it's easy to even glance, how fast it is to smile or wave back...

"Because yes it is and I apologize for not having done so."

Ngunit ipinaliwanag din ni Julia na hindi naipakita sa lumabas na video ang effort niyang bumati, kahit na may mga tumutulak sa fans para bigyan sila ng daan dahil mahuhuli na sila sa airport.

Sabihin na raw ang lahat tungkol sa kanya, ngunit ayon kay Julia, hindi dapat kuwestyunin ang pagmamahal at appreciation niya sa fans.

Dagdag ng Kapamilya actress, "These people are the ones who helped me get to where I am now."

Diin pa ni Julia, "You can be laughing at me right now, mocking me or thinking this girl is just trying to save herself.

"This is myself explaining even when I do not even have to, but I am.

"I am for my fans. I am for myself because I can not take way too much judgement from people who do not know me behind the camera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kabuuang mensahe ni Julia sa Instagram:

A photo posted by JULIA (@juliabarretto) onSep 9, 2015 at 5:02am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN