Daniel Matsunaga unhappy about Cosmo Bachelor Bash groping incident: “Dapat yung mga tao, may respeto.”

Daniel Matsunaga to fellow actors after Cosmo Bachelor Bash 'touching' incident: "We really have to be careful. We never know who’s gonna be there and who’s gonna do that."


Naging kontrobersiyal ang Cosmo Bachelor Bash 2015, na may temang Cosmo Carnival, dahil sa panghihipo ng ilang manonood sa maselang bahagi ng ilang aktor na rumampa, kabilang na sina Alex Medina at Alex Castro.

Read: Alex Medina, Alex Castro shrug off 'groping incident' at Cosmo Bachelor Bash

Isa rin sa rumampa noong gabing iyon ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

At hindi raw niya nagustuhan ang nangyari sa ibang mga kasamahan niya.

Pahayag ni Daniel sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Dapat yung mga tao, may respeto.

"We really have to be careful, we never know who’s gonna be there and who’s gonna do that.

“Anytime, there’s always a possibility, so we really have to watch out and be careful.

"But sana, may mga tao who will really respect ang mga artista.

"Kahit kanino kasi, dapat may respeto."

Maliban sa insidenteng ito, masaya naman ang naging karanasan ni Daniel sa muli niyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash.

"Masaya ang show. Everytime we’re there, there's a different crowd.

"Safe naman. Lagi akong naka-jeans, ha."



STAR MAGIC BALL. Samantala, siniguro ni Daniel na walang dapat ipagselos ang girlfriend niyang si Erich Gonzales sa kanyang pagrampa sa Cosmo Bachelor Bash.

“Loyal naman ako.

"Alam naman ni Erich na ito, professional lang.

"I’ve been doing modelling for more than ten years, alam niya."

First time namang a-attend si Daniel sa Star Magic Ball na si Erich ang ka-date niya, kung kaya’t espesyal na araw ito para sa Brapanese model-actor.

“Yes, super excited ako lalo, kasi kasama ko si Erich.

"First time ako going with my girlfriend.

“Siyempre nae-excite din kami to see all the artists and everything that’s gonna happen. Napakaespesyal.”

Gaganapin ang 9thStar Magic Ball sa Sabado, September 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN