Jovit Baldivino breaks silence on "Pusong Bato" issue; expresses respect for Wency Cornejo

Jovit Baldivino to Wency Cornejo: “Sobrang laki ng respeto ko sa lahat ng mga legendary singers, like you po, kayo po. Idol na idol ko po kayo from After Image. Nagpapasalamat po ako sa inyo dahil kung hindi po sa inyo, wala po ako dito. Isa sila sa dahilan kung bakit ako nandito ngayon.”


Binasag na ng Kapamilya singer na si Jovit Baldivino ang kanyang katahimikan kaugnay ng naging pahayag ng singer-composer na si Wency Cornejo sa insidenteng nangyari sa isang show sa Labangal, General Santos City, kamakailan.

Matatandaang naglabas ng kanyang saloobin si Wency sa Facebook tungkol sa kawalan diumano ng 'respeto at class' ni Jovit nang kantahin nito ang “Pusong Bato,” kahit na nandun din sa nasabing show ang composer at original singer nitong si Renee 'Alon' dela Rosa.

Read: Wency Cornejo calls out Jovit Baldivino's 'lack of respect and class'

Kahapon, September 10, ay nagpaunlak ng interview si Jovit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News upang ibigay ang kanyang panig ukol sa isyu.

Ayon sa Pilipinas Got Talent Season 1 grand winner, “Una sa lahat, hindi ko talaga alam kung saan nagsimula.

“Kasi nag-show kami sa Labangan, GenSan nung Monday [September 7].

“Nag-show kami dun, pagdating namin dito sa Manila, kabababa ko pa lang ng airplane, tumawag yung RM [road manager] ko.

“Then, sabi niya, may issue daw sa akin.

“Natawa lang ako, kasi yung RM ko, lagi niya akong dyinu-joke kapag sa mga ganyan.

“Pero tunay pala.

“Parang nag-isip ako kung ano ang ginawa ko last night, parang wala naman siguro.

“Then, hanggang sa marami na ang nag-text sa akin na, yun nga raw, mayroon akong issue.

“Nagulat ako, ‘Ano ba yung ginawa ko? Prang wala naman.’”



NOT INFORMED. Ikinuwento rin ni Jovit ang mga kaganapan bago siya sumalang sa stage nooong gabing iyon.

“Nag-meet na kami sa backstage ni Sir Alon, kaso sasalang na ako.

“Tinanong niya ako kung ilang songs ako, sinabi ko.

“Then, tinanong niya ako kung kakantahin ko yung ‘Pusong Bato.’

“Then, sinabi ko na kasama yung ‘Pusong Bato.’

“Yung ‘Pusong Bato’ kasi, ni-reserve ko siya para sa duet namin ni Sir Bobby Pacquiao.

"Kasi nakikipag-duet siya, bale hati kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-request din siya ng isang duet na ako din ang nag-keyboard, ‘Pagsubok.’”

Si Bobby Pacquiao ay kapatid ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at producer ng nasabing show na pinagtanghalan ni Jovit.

Patuloy ng singer, “Mayroon ding isang lalaki na di ko kilala, nag-request siya kung puwedeng huwag ko nang kantahin yung ‘Pusong Bato.’

“Sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko, kasi sasalang na ako.

“Sinabi ko sa kanila na kung sinabi agad sa akin or sa RM ko bago nag-start ang show, sino ba naman ako para tumanggi o di pagbigyan sila?

“Nung sinabi niya kung puwede kong palitan yung song, sasalang na ako…

“Two minutes na lang, sasalang na ako, wala na akong magagawa.

“Kasi yung materyal ko at yung road manager ko, nandun na sila sa tech booth.”

Ni-revive ni Jovit ang "Pusong Bato" para sa soundtrack ng teleserye noon ni Coco Martin na Juan dela Cruz.



DEFENDING JOVIT. Ayon pa kay Jovit, “Siguro ang pinagkulang ko lang kay Sir Alon, yung nakalimutan ko siyang i-mention.

“Kasi, sa sobrang excited ko na mag-perform, hindi ko na alam ang nangyayari sa stage.

“Kasi sobrang saya na ang daming nangyayari, kaya nakalimutan ko na i-acknowledge si Sir Alon.”

Sinabi rin ni Jovit na nagkausap na sila ulit ni Alon at handa raw siyang depensahan nito tungkol sa isyu.

“Nung nag-usap kami kanina, parehas kaming nagulat kasi kung paano ito nagsimula.

“Hindi niya alam kung saan nagsimula yung issue.

“Then, ako naman, humingi din ako ng dispensa kung anuman yung nagawa ko sa kanya na inilabas ng issue.

“Pero nag-okay na kami kasi hindi niya rin alam kung ano yung gulo.

“Sabi niya magpapa-interview din siya at ilalabas niya kung ano ang tinext ko sa kanya na good naman po.”

WENCY CORNEJO. Tungkol naman kay Wency, sinabi ni Jovit na hindi sila nagkita o naipakilala sa isa’t noong mag-show sila sa GenSan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po siya na-meet, hindi ko siya nakamayan, hindi ko siya nakita dun.

“Pero alam kong pupunta siya dun kasi yung name niya nandun.”

Nagbigay-pugay rin si Jovit sa dating bokalista ng After Image.

“Kay Sir Wency, sobrang laki ng respeto ko sa kanya, lalo na sa mga OPM singers… ang laki ng naitulong nila sa akin.

“Dahil kung hindi dahil sa kanila, wala din ako dito, kasi ang dami ko ring nai-revive na mga songs.

“Sobrang laki ng respeto ko sa lahat ng mga legendary singers, like you po, kayo po.

“Idol na idol ko po kayo from After Image.

“Nagpapasalamat po ako sa inyo dahil kung hindi po sa inyo, wala po ako dito.

“Isa sila sa dahilan kung bakit ako nandito ngayon.”

Kung may mga sumang-ayon kay Wency sa naging post nito sa Facebook ay marami rin ang nagtanggol kay Jovit.

May ilan pa ngang nagsabing hindi naman pala involved mismo si Wency sa nangyari, pero sumawsaw ito sa isyu.

Sa palagay ba ni Jovit ay dapat humingi ng tawad sa kanya si Wency dahil sa nangyari?

Mabilis niyang sagot, “Mag-sorry siya? Sa akin hindi na, hindi na kailangan.

“Marami na akong natutunan sa nangyari.”

Nagpasalamat naman si Jovit sa lahat ng mga tagahanga at netizens na nagtanggol sa kanya sa isyung ito

“Nagpapasalamat ako sa lahat na walang sawang sumusuporta sa akin, kasi di rin sila makapaniwala na gagawin ko yun.

“Yung ibang mga kaibigan ko na matagal ko nang kakilala, ‘Ay, kilala ko ‘yan, di niya gagawin ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN