Alden Richards on Maine Mendoza: "Parang iba na yung nararamdaman ko."

Totohanan na ba talaga ito? Ito ang tanong ng marami pagkatapos mapanood ang pagkakilig nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa isa't isa sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong araw. At tila tama ang kutob ng lahat dahil sa sinabi ni Alden kay Joey de Leon.


Tila totohanan na talaga ang nararamdaman nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa isa't isa.

Kung noong nakaraang Sabado, September 5, ay si Maine ang nagpakita ng sobrang pagkakilig sa una nilang pagkikita ni Alden nang malapitan; sa episode ngayong araw, September 12, ay si Alden naman ang hindi napigilang kiligin nang magkita sila ulit ni Maine.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza meet again; had their first touch and 'first kiss'

Sa huling episode ng Startalk ngayong hapon, may ibinuking ang isa sa mga host na si Joey de Leon tungkol sa sinabi sa kanya ni Alden kanina.

Pagkatapos ng Eat Bulaga! at papunta na siya sa Startalk, nakasalubong daw niya si Alden na yumakap at may ibinulong sa kanya.

Sabi raw ni Alden: "Parang iba na yung nararamdaman ko."

Ito ay patungkol sa naramdaman niya nang magkita sila ulit ni Maine sa Kalyeserye.

Halos dalawang buwan pa lamang tumatagal ang tambalan nina Alden at Maine o Yaya Dub, ang AlDub, na nagsimula sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ngunit sa loob ng maikling panahon na iyon ay nagkaroon na sila ng napakaraming hukbo ng mga tagahanga, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba't ibang panig ng mundo kung saan mayroong Pinoy.

Sa katunayan, sa sobrang kasikatan ng kanilang tambalan ay itinuturing na itong phenomenon.

Dahil din dito ay nagkaroon na rin sila ng endorsements.

DESTINY? Incidentally, ngayong araw rin ay ginaganap ang taunang Candy Fair ng Candy Magazine.

Sa nasabing event, noong 2010, unang nagkatagpo ang landas nina Alden at Maine; si Alden, na gamit pa ang tunay niyang pangalan na Richard Faulkerson Jr., bilang isa sa Candy Cuties, at si Maine naman bilang ordinaryong fan.

Nagpakuha ng picture si Maine kay Alden ngunit hindi pa sila magkakilala noon.

At pagkalipas ng limang taon ay muling nagkrus ang landas nila sa Eat Bulaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa PEPtalk interview ni Alden ay naikuwento niya ang insidenteng ito.

At nang sabihin naming "destiny" siguro ang pagkikita ulit ni Maine, ngumiti lang ang Pambansang Bae at sinabing, "Must be."

Sa palagay niyo, tinamaan na ba talaga sina Alden at Maine para sa isa't isa?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN