Lance Raymundo firm in his decision to enter politics next year

Lance Raymundo is confident about his background in politics but believes it is not all about being knowledgeable. He says, “Not everything is learned in school. If you live a life that's very enriching, you don’t even need a diploma to share something... Public service involves a lot of heart din, iyon yung importante sa tao.”


Desidido na ang aktor na si Lance Raymundo na tumakbong konsehal sa San Juan City sa 2016 elections.

Ayon kay Lance, kailan lamang siya nagdesisyong sumabak na rin sa larangan ng pulitika.

“I got my offer very recently, mga a month and a half ago, it took me one month to decide.”

Bilang residente ng Greenhills, sa ikalawang distrito ng San Juan daw siya tatakbo.

Sino ang kumumbinsi sa kanyang pasukin ang pulitika?

Ayon kay Lance, “Congressman Ronnie Zamora and Vice Mayor Francis Zamora, sila yung nag-imibita sa akin.

“Iyon nga, before you enter something like this, you have many questions to ask yourself, di ba?

“It goes without saying na may kaalaman din ako, kasi yung kuya ko, naging public servant din.”

Ang kuya ni Lance ay ang singer na si Rannie Raymundo, na naging kagawad sa second district ng San Juan.

“And my first cousin na pinaka-close sa akin is the well-known political analyst na si Alex Magno.

“I grew up talaga around politicians, so that’s number one.

“Kung walang kaalaman, I wouldn’t even consider it ‘cause I don’t wanna offer the public something na…

“I could only offer them my charm!” at tumawa si Lance, “I mean, it’s not fair, di ba?

“Tinanong ko sa sarili ko if I’m selfless enough to enter this world.

"Hindi naman ito pelikula na yung product ko lang is to entertain, buhay ng tao ang nakasalalay sa aming tulong.

"And there might be stuff in life that I may have to sacrifice.

“Like, kunyari, kung kailan may teleserye na kailangan ako, e, kung every day na ako dun, I have to make my choice.

“You have to go with the flow of life, you can’t be too idealistic na gusto ko for the next ten years, TV lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung may dumarating, listen and pray and ask for guidance from God, makakarating ka sa desisyon din."



SACRIFICES. Halimbawang mangyari nga iyon, handa ba si Lance na talikuran ang pag-aartista para sa pulitika?

Sagot niya, “I’m willing, iyon yung tinanong ko sa sarili ko.

“I think for anyone who wants to enter something as delicate as public service, you have to really know yourself first.

“If you’re selfless enough, that’s what the people deserve and, I guess, I am, awa ng Diyos.”

Handa rin ba siyang isakripisyo ang privacy niya dahil tiyak na hahalungkatin ng mga kalaban niya ang kanyang buhay?

“I haven’t had privacy in the last fifteen years so, at least, may headstart na ako, so hindi na ako magugulat.

“And wala din naman silang kakalkalin sa akin din!” tawa ni Lance.

Kung may mga mag-imbento ng mga maling issues tungkol sa kanya?

“Yeah, just like in entertainment, marami din every now and then.

“I guess suwerte tayo na ganito na yung background na rin natin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lance sa presscon ng indie film na Pipamyalungan, sa Max’s Restaurant, noong September 10.



AT HEART. Ano ang masasabi ni Lance sa ibang tao na hindi pabor na pumapasok sa politics ang mga taga-showbiz?

Pahayag ni Lance, “You can’t really dictate what people think and we’re all entitled to our own point of views… we respect it.

“That’s the reason why I take it as a challenge.

"Hopefully, through me, mag-iba rin yung point of view nila.

“So, iyon yung mga driving force sa akin and politics, in general.

"It inspires new blood like me na ipakita there are changes that can be done in our small way.”

Sa pananaw na ang mga artista ay hindi dapat mag-pulitiko dahil walang alam, sabi ni Lance, “You can’t generalize naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Those na probably mas kulang sa background compared to other people like myself, you can’t judge them din.

“Not everything is learned in school.

"If you live a life that's very enriching, you don’t even need a diploma to share something.

“Baka nga mas malaki pa yung mase-share nung taong yun, e, so you’ll never know.

“Public service involves a lot aside from knowledge, it involves a lot of heart din, iyon yung importante sa tao.”

Nasa pulitika ba ang puso niya?

“Oh, yeah, kasi even before public service… generous heart, loving people.

“So, yung mga tao nga sa distrito namin, hindi nila sinasabi na, ‘Wow biglang nagbago, biglang bumait!’

“I mean, thank God and thank God sa magulang ko na they brought me up this way.

“They remember me since I was a kid, that I’ve always been the same guy, nothing to change.”

MULTI-TASKING. Gaano na siya kahanda sa pulitika?

Ayon kay Lance, “Kung barbell nga hindi ako napatumba, what more pa ang words and bashing."

Noong isang taon, nabagsakan ng barbell sa mukha si Lance na naging sanhi para sumalilalim siya sa reconstructive surgery.

“Ito yung mga elemento na sabi ko, ‘I could have died, why am I back?’

“And if I’m selfish na gusto ko lang maging artista at sumikat, e, yun pala there’s this aspect of the country calling for me.

“Na baka makatulong ako, tapos ipagkakait ko kasi may mga iba akong gusto, di ba?

“At kung para sa akin rin naman yung sa showbiz… I could always come back.

“If I’m in politics and one day I decide na I don’t belong anymore or if I wanna take a break.

“Or I could also multitask, si Manny Pacquiao is in government but he boxes and gives our country honor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila Herbert [Bautista], very active pa rin, may QC Cinema pa siya.

“So, you could do it as long as you know how to budget your time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN