Piolo Pascual downplays reunion with ex-girlfriend KC Concepcion in London

Piolo Pascual says his friendly encounter with KC Concepcion in London is not news as they've broken the ice since he sent his condolences when her Lola Elaine Cuneta died: "Okay naman kami. Siguro, we just had the chance to talk lengthily, nagkaroon lang kami ng oras na... we didn't even talk about the past."


Ipinaliwanag ni Piolo Pascual ang napabalitang pagbabati at pag-uusap nila ni KC Concepcion nang magkasama sila sa ASAP XX Live in London noong nakaraang linggo.

Read: Piolo Pascual, KC Concepcion kiss and make up in London

Matatandaang halos apat na taong tumakbo ang hidwaan sa pagitan nilang dalawa mula nang matapos ang kanilang relasyon noong 2011.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Piolo sa presscon ng pelikulang Silong, na ginanap sa ELJ Building sa ABS-CBN compound, kahapon, September 13.

Ang Silong ang indie film na ginawa nila ng Kapuso star na si Rhian Ramos. Ipalalabas ito sa commercial theaters sa September 16.

Sa presscon, hindi maiwasang magkuwento ang Kapamilya actor tungkol sa kanila ni KC, kahit halatang gusto niya sanang iwasan ito.

Saad niya, "It was just magnified sa socia media 'cause Kristina [totoong pangalan ni KC] and I are okay, even before pa yung London.

"Ever since her lola [Elaine Cuneta] passed away, we kinda broke the ice already when I sent my condolences to her.

"And then, when we would see each other, okay naman kami.

"Siguro we just had the chance to talk lengthily, nagkaroon lang kami ng oras na...

"We didn't even talk about the past. Parang, 'Ano na, how are you na?’

"This and that, parang ganun lang."



ALL IS WELL. Masaya naman daw si Piolo dahil "all is well" na sa pagitan nila ni KC.

"That was a happy moment kasi parang ang sarap na you turn off the hitches."

Pabirong pahabol pa niya, “And para sa mga tao na rin at para sa ekonomiya.”

Saad pa ni Piolo, masarap makapagpasaya ng tao “kahit okay naman talaga kami.”

Dagdag niya, “At least, for their peace of mind, nakita nila na we're really okay.

“Maraming humihingi sa Instagram at nadamay pa ang loveteam namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang kapag makita ang comments nila, parang nabunutan ng tinik.”

LOVETEAM. Wala naman kasing nakakaalam, na nagkabati na pala sila ng anak ni Sharon Cuneta matapos bawian ng buhay ang lola nito.

Ibig sabihin, talagang naitago nila sa publiko ang pagkakaayos nilang dalawa?

Sabi ni Piolo, Yeah, this is a very small circle [showbiz].

"We work in the same station and hindi naman puwedeng hindi magpansinan.

"We have to see each other and we have to say 'hi' to each other.

"Pero that was really the first time na we got to talk and bond [in London].”

Maganda nga raw itong nangyari at wala nang ilangan sa kanilang dalawa.

Pakli niya, "That's right, that's right."

Sa isang survey nga raw among loveteams na nasira at gustong magbalikan, nasa top list ang kanilang dalawa ni KC.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Alanganing sagot ni Piolo, “That's right, puwede namang... I mean, napakaliit naman ng mundo, e.

"At the end of the day, ayokong may kaaway, ayokong may iniiwasan.

"Ayokong ang daming bawal at ayokong ang daming concerns... happy lang dapat ang lahat.”

“Trabaho lang kung ibigay ng istasyon, ayoko lang talaga na may isyu, so okay lang sa akin."

Ibig sabihin nito, willing at handa na siyang muling makatrabaho si KC?

Sagot ni Piolo, "That's right."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN