Jessy Mendiola’s mother advises her to stay strong: “Even the whisper of your voice is enough to make you strong if you are right.”

Inamin ni Didith Garvida, ina ni Jessy Mendiola na nasasaktan at nalulungkot ang anak dahil sa kinasangkutan nitong insidente sa loob ng eroplano patungong London noong September 4. Sabi ni Mommy Didith, “She’s sad. Masakit sa kanya yung nangyayari. Nalulungkot ako kasi sinasabi niya, ‘Mama, hindi naman kasi ako sikat.’”


Gusto na raw tuldukan ng ina ni Jessy Mendiola na si Didith Garvida ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng anak at ng kapwa Kapamilya star nitong si Enrique Gil.

Ito ay dahil sa paghingi na ng paumanhin ng aktor kay Jessy sa pamamagitan ng isang public apology na ipinalabas noong Biyernes, September 11, sa TV Patrol ng ABS-CBN.

Read: Enrique Gil apologizes for drunken incident: “It’s the first and last time this will ever happen.”

Ginawa ni Mrs. Garvida ang pahayag sa panayam niya kay IC Mendoza sa Showbiz Konek na Konek (SKK) ng TV5, na umere kaninang umaga, September 14.

Taliwas ito sa mga naging pahayag ni Mommy Didith sa pinakahuling post sa Instagram ng anak noong Biyernes din.

Read: Jessy Mendiola’s mom threatens to file a case against Enrique Gil; tells his fans, "You guys want it this way, we will give it your way."

Nag-ugat ang kontrobersiya sa nangyaring gulo sa loob ng eroplano patungong London na kinalulunanan ng Kapamilya stars na sina Jessy, Enrique, Liza Soberano, Luis Manzano, Paulo Avelino, Jake Cuenca, James Reid, Nadine Lustre, at iba pa.

Diumano, lasing na lasing si Enrique dahil sa pagpapainom daw ng alak sa kanya nina Jake at Paulo habang nasa biyahe.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Pinanindigan naman nina Paulo, Jake, at maging ni James, na wala silang alam tungkol sa nangyaring gulo dahil daw tulog sila.

Read: Jake Cuenca on Enrique Gil's rumored drunken incident on London flight: "Malinis po ang konsensiya ko, hindi talaga ako involved."

Paulo Avelino advises Enrique Gil: “Live life and learn from your mistakes. Go on with life.”

James Reid on drunken incident involving Enrique Gil and other Kapamilya stars: “I was asleep.”

JESSY IS CONFUSED, SAD. Sa naturang episode ng SKK, kinumusta ng host na si IC kay Mommy Didith ang estado ng anak sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Naguguluhan siya. Nasasaktan siya.

“She’s sad. Masakit sa kanya yung nangyayari.

"Nalulungkot ako kasi sinasabi niya, ‘Mama, hindi naman kasi ako sikat.’

“So, sabi ko, ‘Jessy, you have your own name and they have their own names, so it’s okay.’

“’Kasi hindi ako sikat na katulad nila.’”

Dagdag pa ng ina ng aktres, “Kasi kahit papa'no, she really works so hard where she is right now.

“Kaya pag sikat man ang anak ko or kahit hindi man siya sikat, she is still my Jessy.

“Yun lang po ang gusto kong sabihin sa inyo.”



BASHERS. Dahil sa insidenteng nagangap sa eroplano, na-bash nang husto si Jessy ng fans nina Enrique at Liza na tinaguriang LizQuen.

Inihayag nila ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng pagkomento sa pinakahuling Instagram post ni Jessy.

Ang ilan sa kanila ay sinabihan pa itong, “papansin,” “walang proyekto,” “laos,” at “kabit.”

Paano ba ito hinaharap ng 22-year-old actress?

Pahayag ni Mommy Didith, “I always tell her to stay strong, because this is life, you have to fight.

"You know, in life, you have to fight.

“There are so many out there na mas malakas sa iyo, but hindi naman ibig sabihin na babae ka, hindi ka malakas.

"Even the whisper of your voice is enough to make you strong if you are right.”

Ano ang mensahe niya para sa anak?

Saad niya, “Jessy, on your ups and downs, mahal kita, you know that.

"I will always fight for you.

“Even though I’m so tired with all these things, but I’m here.

"I am your mother, I wish you the best.

"And you are my only Jessy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN