Alden Richards on AlDub phenomenon: "As long as we feel the magic inside us, this will continue."

Alden Richards on maintaining a wholesome image: "Kung meron man po akong gustong gawin na hindi maganda, that would affect my image, way before, dapat po nangyari na kung talagang gusto ko siyang mangyari. Kasi, I’m a very simple person, I don’t wanna complicate things in my life."


Isang phenomenon ang turing sa tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) o mas kilala sa tawag na AlDub.

Mula sa hindi inaasahang pagpapakilig nila sa isang episode ng "Problem Solving" segment ng Eat Bulaga, nabuo ang loveteam nina Alden at Yaya Dub na itinatampok araw-araw sa "Kalyeserye."

Tila isang epidemya ang ikinalat nilang kilig, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba't ibang panig ng mundo kung saan mayroong Pinoy.

Naging bukambibig na sila ng halos lahat at naging laman ng social media, at ngayon naman ay paboritong kuning endorsers ng iba't ibang kumpanya.

Kahapon, September 14, sa launching ni Alden bilang endorser ng TNT Extend, kasama si Maine, tinanong ang tinaguriang Pambansang Bae kung hanggang kailan sa tingin niya magtatagal ang AlDub phenomenon.

Tugon niya, "Siguro as long as we feel the kilig and the magic while we see AlDub every day.

"Siguro po hangga’t hindi nawawala yun, this will continue on and on.

"We can’t say kung [hanggang] kailan, we can’t say kung anong time siya dadating.

"Kasi this happened unexpectedly din po, e.

"Kumbaga, we didn’t expect this thing will happen."

Patuloy ni Alden, "And as of this moment, yung mga nakukuhang records of AlDub is unexplainable. We don’t why.

"We’ve been breaking records of tweets… we don’t know why.

"Yung ratings po na nakukuha ng Eat Bulaga! because of AlDub is unexplainable as well."

Noon lamang Sabado, September 12, ay umabot sa 6.37 million tweets ang nakuha ng hashtag na #ALDUBTheAbduction.

Sinira nito ang record na naitala ng isa pang Aldub hashtag, ang #ALDUBBattleForACause, na nakakuha ng 5.8 million tweets.

Read: AlDub hashtag breaks another record on Twitter

Kadalasan ding hindi bumababa sa 30% ang rating na nakukuha ng Eat Bulaga, base sa Mega Manila ratings ng AGB Nielsen.

Noong September 5, ang unang pagkikita nina Alden at Yaya Dub, ay nakakuha sila ng rating na 39.5%

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nito namang September 12, ang ikalawang pagkikita ng AlDub, ay nagtala ang Eat Bulaga! ng 36%.

Saad pa ng Kapuso actor-TV host, "So, siguro po yung panahon na, yun nga po, this will end, I don’t think that’s anytime near po, that’s anytime soon.

"As long as we feel the magic inside us—everyone of us po, all the supporters of AlDub—this will continue."

HAPPY WITH HIS CAREER. Damang-dama nga raw ni Alden ang malaking epekto ng AlDub phenomenon sa kanyang buhay.

Sabi niya, "Sobra pong nabago yung buhay ko.

"I mean, from being a normal artista, yung effect niya on my life is really life-changing.

“I’m just so blessed that this is happening in my life right now.

"And to everyone that’s part of Kalyeserye, this a blessing po to us. Not only to Eat Bulaga! but also to GMA.

"Kasi, talagang it’s really touching people’s lives.

"Kasi it’s more of a kilig, more of a laughter that we give every day, the lesson, it’s us being tao—yung totoong tao.

"Yun yung nai-impart namin sa mga audience.

"So, talagang hindi lang ang buhay ko ang nabago.

"I’m sure marami rin po ang nabago ang buhay while watching Kalyeserye."

Hindi na rin kailangang sabihin pang masayang-masaya si Alden sa nangyayari sa kanyang career ngayon.

Maliban sa matagumpay na loveteam nila ni Maine, toprating din ang mga programang kinabibilangan niya—ang Eat Bulaga! at Sunday Pinasaya—na parehong napapanood tuwing tanghali.

Maliban pa rito ang pagdagsa ng offers para sa endorsements, gaya ng TNT.

Pahayag ni Alden tungkol sa tagumpay ng career niya ngayon, "Sobra po!

"I mean, every day, pag nakikita ko yung mga nangyayari, yung turn of events sa buhay ko ngayon, talagang wala akong dapat ipagpasalamat kundi kay Lord, sa blessings na ibinigay Niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka siyempre sa lahat ng mga fans and supporters.

"Palagi ko pong inuulit na sa kanila namin utang ‘tong mga nangyayari.

"Kundi dahil sa kanila, walang AlDub."

WHOLESOME IMAGE. Ngayong dumadagsa na rin ang endorsements para kay Alden, mahalagang mapanatili niya ang kanyang magandang imahe sa publiko.

Pero ayon na rin sa Kapuso star, hindi siya mahihirapan sa aspetong ito dahil wala siyang kailangang itago.

Saad niya, "Siguro this is me, this is the real Alden.

"Kumbaga, kung meron man po akong gustong gawin na hindi maganda, that would affect my image, way before, dapat po nangyari na kung talagang gusto ko siyang mangyari.

"Kasi, I’m a very simple person, I don’t wanna complicate things in my life.

"I just wanna take the most out of I am doing, what I am enjoying.

"And that would benefit the people around me, the people that I love."

Dagdag niya, "Ako po kasi, kagaya nga ng sabi ko, I’m for the people. I work for the people.

"I wanna make them happy, give them inspiration every day…

"So, how do I keep the image? It’s just me, nothing else.

"It’s just Alden."

Wala rin daw masamang bisyo si Alden na maaari niyang ikapahamak.

"No po, e… I mean, when invited to parties, I usually drink for social drinking…

"I don’t smoke po, I don’t drink, I don’t do drugs.

"I don’t party often… workout lang saka climb mountains, ganyan, outdoor."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN