AlDub hashtag breaks another record on Twitter

Hindi bumibitiw ang mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng tweets sa kanilang hashtags. Ngayong Sabado ay umabot ng 6.35 million ang tweets para sa #ALDUBTheAbduction.


Sumira na naman ng panibagong record ang isang AlDub hashtag ngayong Sabado, September 12.

Ang hashtag na #ALDUBTheAbduction ay umabot ng 6.35 million tweets sa loob lamang ng 24 oras, at naging top trending topic hindi lamang nationwide kundi worldwide.

Nalampasan nito ang 5.8 million (5,807,200) tweets na naitala ng #ALDUBBATTLEForACause noong September 5, araw rin ng Sabado.

Read: #ALDUBBATTLEForACause sets new record on Twitter; reaches 5.8M mark

Ang #ALDUBTheAbduction na ngayon ang may hawak ng record ng pinakamaraming tweets sa loob ng 24 hours sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang may hawak naman ng record ng pinakamaraming tweets sa loob ng 24 hours sa buong mundo ay ang #LoveWins, na tungkol sa pag-apruba ng U.S. Supreme Court ng same-sex marriage.

Tinutukan ng netizens at AlDub fans ang episode ng Kalyeserye kahapon, kung saan muling nagkita sina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Kung noong isang linggo ay may plywood na humarang sa kanila, ngayon namang Sabado ay naka-blindfold sila.

Pero may ilang sandali na nagkita sina Alden at Yaya Dub.

Maliban dito ay saglit din nilang nahawakan ang isa't isa at uminom sila sa iisang straw.

ALDEN ON MAGPAKAILANMAN. Maliban sa #ALDUBTheAbduction, naging trending topic din ang hashtag na #AldenRichardsOnMPK.

Ito ay para sa pagpapalabas muli ng life story ni Alden sa drama anthology ng GMA Network na Magpakailanman.

Ang nasabing episode ay unang ipinalabas noon pang April 2013, pero dahil sa napakarami raw fans na humiling na mapanood ito muli, nagdesisyon ng GMA management na i-replay ito kagabi.

Tinalakay sa nasabing episode ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Alden bago niya narating ang kinalalagyan niya ngayon; kabilang na ang maagang pagkamatay ng kanyang ina na siyang may gustong mag-artista siya at ang mga pagkabigo niya sa talent searches.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May bago ring interview si Alden kasama ang host ng Magpakailanman na si Mel Tiangco.

Nagpasalamat naman si Alden, sa pamamagitan ng Twitter, sa pagpapa-trend para sa #AldenRichardsOnMPK.

Trust in the Lord for He knows what's best for you. Maraming salamat po sa lahat ng nanuod at nagpatrend ng #AldenRichardsOnMPK. God bless🙏🏻

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 12, 2015

NEW TV COMMERCIAL. Samantala, pagkatapos lumabas ng unang TV commercial ng AlDub para sa isang fastfood chain noong Biyernes, nakatakdang ilunsad sa Lunes, September 14, ang pangalawa nilang TVC para naman sa isang mobile company.

At sa kani-kanilang Instagram accounts kagabi, September 12, ay nagsagutan sina Alden at Maine bilang patikim sa kanilang bagong endorsement:

Tetext ko na ba siya? Papansinin niya kaya ako? #AlDubForTNT

A photo posted by Alden Richards (@aldenrichards02) onSep 12, 2015 at 7:01am PDT

Mauuna kaya sya magtext? O ako dapat? #AlDubForTNT

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) onSep 12, 2015 at 7:09am PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN