Maine Mendoza hits 1M followers on Twitter

Sa loob lamang ng dalawang buwan ay umabot na sa 1 million ang followers sa Twitter ni Maine Mendoza o mas kilala sa bansag na Yaya Dub.


Umabot na sa mahigit 1 million ang followers sa Twitter ng Eat Bulaga! mainstay na si Maine Mendoza o mas kilala sa bansag na Yaya Dub.

Naabot ni Maine ang bilang na ito kahapon, September 14.

Mahigit dalawang buwan pa lamang napapanood sa telebisyon si Maine, ngunit napakabilis ng pag-akyat ng bilang ng followers niya sa social media.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.02 million ang kanyang followers sa Twitter (@mainedcm).

Ang kanya namang Instagram account (mainedcm) ay mayroon na ngayong mahigit 974,000 followers.

Umabot na rin sa halos 1.3 million ang followers niya sa Facebook (Maine Mendoza).


Nagpasalamat naman si Maine sa kanyang followers, sa pamamagitan siyempre ng Twitter, dahil sa panibagong milestone na ito sa kanyang papausbong pa lang na career.

1M followers!!! Ang saya! Thank you all!💋 pic.twitter.com/gHYbzz7C90

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 14, 2015

Nitong nakalipas na isang buwan, si Maine ang nangunguna sa listahan ng "fastest-growing celebrities profiles in Philippines," ayon sa socialbakers.com.

Pangalawa naman ang kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Base sa record ng socialbakers.com, nadagdagan ng 573,542 ang Twitter followers ni Maine sa loob lamang ng isang buwan.

Hindi naman nalalayo si Alden na nadagdagan ng 464,886 followers.

Naabot ni Alden ang 1M mark sa Twitter noong September 1.

Read: Alden Richards reaches one million followers on Twitter

Patuloy pa rin ang pag-alagwa ng Twitter posts para sa #ALDUB hashtags araw.

Sa kasalukuyan, ang #ALDUBTheAbduction ang may hawak ng record ng pinakamataas na bilang tweets sa loob lamang ng 24 oras sa Pilipinas—6.37 million.

Patunay lamang ito kung gaano kalakas ang hatak nina Maine at Alden sa social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN