Janella Salvador opens up about Julia Buencamino’s passing: “We’re thinking she’s in a better place, she’s happier na.”

Janella Salvador on not having a teleserye at the moment: "I miss doing a serye, but I am enjoying my vacation din. Nakapag-London na ako.”


Dalawang buwan makalipas ang pagpapatiwakal ng teen actress na si Julia Buencamino, nagbigay ng pahayag ang kanyang co-star sa defunct daytime series na Oh My G! na si Janella Salvador.

Sabi ng Kapamilya star, “Actually, right now, we’re okay na.

“Of course we miss her. But we’re thinking she’s in a better place, she’s happier na.

“Tito Nonie and Tita Shamaine [Julia's parents], I didn’t get to talk to them na super talk.

"Pero the last time I talked to them, they’re trying to move on.

"Hopefully they are okay na."

Si Julia ay nagpatiwakal, sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili, sa kanilang tahanan, noong July 7, 2015.

Read: 15-year-old daughter of Nonie and Shamaine Buencamino commits suicide

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa 9thStar Magic Ball, na ginanap noong Sabado, September 12 sa Makati Shangri-La Hotel.



MARLO MORTEL. Nakabuo ng hukbo ng tagahanga ang tambalan nina Janella at Marlo sa Oh My G!, kung saan nagong open ang magkapareha na malapit sila sa isa’t isa.

Pero marami ang nagtataka kung bakit hindi sila sabay dumating sa Star Magic Ball.

Paglilinaw ni Janella, “We’re okay naman.

"I saw him lang kanina. Nag-bonding kami.

"It’s still the same. We’re still communicating with each other.

“Nasa taas pa siya, nagre-ready. Tanungin ninyo siya kung nasan siya.”

Pagkatapos ng Oh My G! ay pahinga muna si Janella sa paggawa ng teleserye.

“[Yung] serye, I think it’s in the works pa.

“I miss doing a serye, but I am enjoying my vacation din. Nakapag-London na ako.”

Samantala, tinatapos ngayon ni Janella ang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Horror Mansion sa ilalim ng Regal Films.

"Horror siya. Kasama ko dun si Jerome Ponce and Marlo Mortel," banggit ng young actress-singer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN