AlDub vs JaDine in Metro Manila Film Festival 2015

Mas magiging mainit ang Metro Manila Film Festival ngayong taon dahil sa partisipasyon ng dalawa sa pinakasikat na loveteams sa kasalukuyan. Kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza o AlDub sa My Bebe LUV, habang sina James Reid at Nadine Lustre o JaDine naman ay kasama sa Beauty and the Bestie.


Ngayong kumpirmado na ang pagsasama nina Alden Richards at Maine Mendoza o AlDub sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Bebe LUV, tiyak na aabangan ng marami ang pagtatapat ng loveteam nila sa tambalan ng Kapamilya stars na sina James Reid at Nadine Lustre o JaDine.

Kasama nina Alden at Maine sa My Bebe LUV sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Sina James at Nadine naman ay makakasama nina Vice Ganda at Coco Martin sa Beauty and The Bestie.

Ang AlDub at JaDine ang itinuturing na dalawa sa pinakasikat at pinaka-kinikiligang tambalan ngayon sa Pilipinas.

Ang AlDub ay napapanood araw-araw sa Kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga! sa GMA Network.

Samantalang ang JaDine naman ay napapanood gabi-gabi sa ABS-CBN primetime series na On The Wings of Love.

Pareho ring paboritong kuning endorsers ang dalawang loveteams.

Incidentally nga ay pareho silang nag-e-endorse ng magkalabang fastfood chains (Jollibee para sa Jadine at McDonalds para sa AlDub) at 'magkapatid' naman sila pagdating sa telco commercials (Smart sa Jadine at Talk 'N Text para sa AlDub).

Nauna nang kinumpirma ni Vice ang pagkakasali nina James at Nadine sa pelikula nila ni Coco.

Habang kagabi lang, September 15, nakumpirma ang pagkakasama ni Maine sa pelikula nina Vic, Ai-Ai, at Alden.

Read: Maine Mendoza confirmed for MMFF movie with Alden Richards

Hindi man sila ang talagang bida sa mga pelikulang kinabibilangan nila sa MMFF, siguradong mas nakatuon ang pansin ng marami sa tambalang AlDub at JaDine.

Ang My Bebe LUV ang unang pelikula ng AlDub loveteam, kaya rito mahuhusgahan kung may hatak din sa takilya ang tambalan nilang patok na patok sa telebisyon.

Sa kabilang banda, napatunayan na ng JaDine na kaya nilang magdala ng kanilang sariling pelikula.

Box-office hits ang mga pelikula nilang Diary Ng Panget (2014), Talk Back and You're Dead (2014), at Para Sa Hopeless Romantic (2015).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban sa My Bebe LUV at Beauty and the Bestie, ang iba pang entries sa 2015 MMFF ay ang mga sumusunod:

Buy Now, Die Later — starring Jayson Gainza, John Lapus, and Ian Veneracion

Haunted Mansion — starring Janella Salvador, Joem Bascon, and Alan Paule

Hermano Pule — staring Aljur Abrenica and Alessandra de Rossi

Pamilyang Love Love (formerly Mr. and Mrs. Split) — starring Kris Aquino and Derek Ramsay

Nilalang (The Entity) — starring Cesar Montano and Maria Ozawa

Walang Forever — starring Jennylyn Mercado and JM de Guzman


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN