Isabelle Daza on Ellen Adarna's behavior at Star Magic Ball: “Well, she was having fun. I don't think that is a crime or a sin.”

Sa kabila ng mga batikos kay Ellen Adarma sa naging asal niya sa nakaraang Star Magic Ball, ipinagtanggol siya ng aktres na si Isabelle Daza. “Ellen is a cool person, who will do what makes her happy,” sabi ni Isabelle tungkol sa kapwa-artista.


Ipinagtanggol ni Isabelle Daza ang kapwa niya Kapamilya talent na si Ellen Adarna sa isyung nakainom ito nang dumating sa 9th Star Magic Ball, na ginanap sa Grand Ballroom ng Shangri-La Hotel Makati, noong Sabado, September 12.

Bukod sa nakainom, usap-usapan ding iniwan ni Ellen ang date niyang si Ejay Falcon at nakitang magkasama at malambing sila ni Paulo Avelino.

Sagot ni Isabelle nang tanungin kung nalasing ba talaga si Ellen, “Well, she was having fun. I don't think that is a crime or a sin.”

Dagdag pa niya, “Ellen is a cool person, who will do what makes her happy.”

Inusisa rin ang aktres kung talaga bang iniwan ni Ellen si Ejay at sumama ito kay Paulo.

Sabi ni Isabelle, “I don't know what happened with her.

“Gutom na gutom siya, hindi kasi kami kumain.

"So, I think umuwi siya to eat, or umakyat siya to eat.

“Actually, hindi ko nga alam ang nangyari.”

Ano ang masasabi niya sa isang post ni Ellen tungkol sa Star Magic Ball, kung saan pinasalamatan niya si Ejay dahil sa pagiging date nito noong gabing iyon?

Sa nasabing post kasi, nag-comment si Isabelle ng “And then you ditched him,” pagtukoy sa pag-iwan ni Ellen kay Ejay at pagsama nito kay Paulo.

Read: Ellen Adarna gets bashed for ditching Ejay Falcon for Paulo Avelino at Star Magic Ball

Sagot ng actress-TV host, “Wala lang, it was just funny.

"Magkasama kaming dalawa, magkasama sa dance floor. We were dancing."

Ano ang masasabi niya sa pagbura ni Ellen sa kanyang comment?

“Okay lang, marami naman akong pinapaboran na comments,” ani Isabelle.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Isabelle sa thanksgiving/farewell presscon ng primetime series na Nathaniel, na ginanap sa 9501 restaurant sa ELJCC Building, sa ABS-CBN compound, nitong Huwebes, September 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FILTER NEEDED. Sundot na tanong ng PEP, hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot sa isyu si Isabelle dahil sa kanyang ipinu-post sa social media.

Matatandaang umani ng batikos ang ginawa niyang post sa Instagram noong June, nang magbakasyon siya sa Siquijor at ginamit ang hashtag na “Siquiwhore.”

Ikinadismaya ito ng ilang netizens, kabilang na ang singer-politician na si Dingdong Avanzado, na vice governor ng nasabing lalawigan.

Read: Isabelle Daza's beach trip hashtag #siquiwhores draws flak from her Instagram followers

July 2013 naman nang mag-post si Isabelle sa Instagram ng larawan nila ng kanyang pinsan na si Georgina Wilson na naghahalikan para sa isang shoot ng clothing brand.

Read: PEP EXCLUSIVE. Isabelle Daza on kissing photo with Georgina Wilson: “I knew it was going to be talked about.”

Depensa ni Isabelle sa sarili, “All of the things I say is the truth.

“If I get into trouble, then whoops! But I need to filter nga.”

May pagkakataon bang pinagsisihan niya pagkatapos makakuha ng atensiyon ang kanyang post?

Sagot niya, “No naman, there's nothing I deeply regret.

"But I guess it's just a learning experience, everything.

“I don't have regrets.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN