JM de Guzman challenges Enrique Gil to MMA fight: "Man up. Face me."

JM de Guzman to Enrique Gil: “I would like to challenge you to a one-on-one amateur mixed martial arts match any place any time."


Hinamon ni JM de Guzman ang kapwa-Kapamilya star na si Enrique Gil sa isang pagtutuos sa pamamagitan ng mixed martial arts.

Pinaniniwalaang kaugnay ito ng plane incident kung saan napabalitang binastos diumano ni Enrique ang girlfriend ni JM na si Jessy Mendiola.

Read: Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Ilang linggo matapos ang kontrobersiyal na plane incident, binasag ni JM ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng pag-post ng Instagram message para kay Enrique.

Sa kanyang post bandang 12:30 A.M. ngayong Sabado, September 19, inihayag ni JM na pinadalhan niya ng text messages si Enrique, ngunit hindi pa umano sumasagot ang huli hanggang sa kasalukuyan.

Narito ang buong pahayag ni JM sa caption ng kanyang Instagram post:

“With all due respect to Enrique Gil's friends, fans, and family.

“I would like to challenge you to a one on one amateur mixed martial arts match any place any time.

“I'll give you time to prepare. Man up. Face me. (reply to my text messages please.) thanks brother.:@enriquegil17.”


Ngunit makalipas lamang ang humigit-kumulang isa't kalahating oras ay burado na ang naturang Instagram post ni JM.

Matatandaang noong September 11, isang araw bago ginanap ang annual Star Magic Ball, nagbigay ng public apology si Enrique tungkol sa kanyang paglalasing at panggugulo sa kapwa-Kapamilya stars habang lulan ng eroplano patungong London.

Kabilang sa hiningan ng paumanhin ni Enrique sina Jessy at JM.

Read: Enrique Gil apologizes for drunken incident

Sa kabila nito ay hindi nagbigay ng opisyal na pahayag si Jessy hinggil sa nangyaring insidente, maliban na lang sa kanyang cryptic Instagram posts at paglalabas ng hinaing ng kanyang ina laban sa bashers ng Kapamilya actress.

Read: Jessy Mendiola's mom threatens to file a case against Enrique Gil

Naging sentro rin ng espekulasyon ang estado ng relasyon nina Jessy at JM dahil sa emotional Facebook status ng aktres noong September 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaniniwalaan ding may kinalaman sa nabanggit na kontrobersiya ang hindi pagdalo ng magkasintahan sa annual ball ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Read: Jessy Mendiola and JM de Guzman's relationship on the rocks?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN