Myrtle Sarrosa no comment on brewing friendship between Brian Poe Llamanzares and Jasmine Curtis-Smith

Myrtle Sarrosa on her breakup with Brian Poe Llamanzares: “He broke up with me, I wish na parang...a part of me wishes to know where we went wrong, kung may ginawa man akong mali, sana sinabi niya sa akin. Di niya talaga nasabi yung exact reason, pero past is past. I've moved on. I’m so happy.”


Nabigyan ng ibang kulay ang ginawang pagdalaw ni Brian Poe Llamanzares, anak ng presidential candidate na si Senator Grace Poe, sa nakaraang presscon ng seryeng My Fair Lady ng TV5.

Personal na nakipagkilala ang binata kay Jasmine-Curtis Smith.

Read: Brian Poe Llamanzares surprises Jasmine Curtis-Smith at her presscon

Naparatangan tuloy ng ilang netizens na tila gimik lang ito ni Brian para mapag-usapan at mas makilala siya ng publiko lalo’t tatakbong presidente ang ina.

Nang hingan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Myrtle Sarrosa tungkol sa ginawa ng ex-boyfriend, sinabi nitong wala na siya sa posisyon para magbigay ng anumang komento.

Pahayag ng Your Face Sounds Familiar contestant, “Ewan ko sa kanya.

“Ako naman kasi, I’ve moved on na sa kanya, so whatever he wants to do, kung sinuman ang gusto niyang ligawan, sa akin, wala na akong right to comment pa sa kanya.

“Sa kanya na yun kung anuman ang gusto niyang gawin.

“Ayokong mag-comment."

Sa paratang ng netizens kay Brian, ang pahayag ni Myrtle, "Pero for me naman kasi, sa pagkakakilala ko sa kanya, he’s the not type of a person na manggagamit ng ibang tao.

“Maybe talagang nagkataon lang na gusto niyang magpakilala kay Jasmine at yun na yung opportunity niya.”



REASON FOR BREAKUP. Muli, siniguro sa amin ni Myrtle na naka-move on na talaga siya sa paghihiwalay nila ni Brian, na siyang nag-initiate raw ng breakup.

Pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin daw sa kanya ang rason ni Brian kung bakit ito nakipaghiwalay sa kanya. Tinanggap na lang daw niya nang bukal sa kalooban kung anuman ang naging desisyon at rason ni Brian.

Kuwento ni Myrtle, “I can really say na naka-move on na ako sa kanya.

"He was a chapter of my life at ngayon, okay na ako. Naka-move on na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The way we ended kasi our relationship, di as friends kaagad.

“I can’t really say na gusto ko pang maging friends with him right now, kasi wala ako sa lahat ng nangyayari sa kanya.

“To say na gusto kong maging friends sa kanya 'tapos completely okay kami, di ko masasabi yun, e.”

“It’s not a bad breakup but it’s a breakup na di ko in-expect.

“He broke up with me, I wish na parang...a part of me wishes to know where we went wrong, kung may ginawa man akong mali, sana sinabi niya sa akin.

“Di niya talaga nasabi yung exact reason, pero past is past.

"I've moved on. I’m so happy."

Looking at the bright side, mas naging busy daw siya sa kanyang career.

Dugtong ni Myrtle, “Dahil sa breakup namin, so many doors have opened for me, kaya masaya na rin ako na we have separated. ”

LOVELIFE IS CAREER. Sa ngayon, wala pa siyang panahon para sa pag-ibig. Sa dami ng kanyang proyekto, ang kanyang career ang tinuturing daw niyang lovelife.

Ani Myrtle, “Sa ngayon, masayang-masaya ako sa career ko.

“Sa ngayon, ang lovelife ko talaga is my career.

“Na-bless talaga ako ni God with so much work, kaya ngayon, gusto ko lang talaga maging masaya sa trabaho na binibigay niya sa akin.

“May Your Face Sounds Familiar, Deal Or No Deal, My Star Magic Angels 'tapos NCAA, parang ang saya ko lang.

“Siguro patience lang talaga ang nangyari 'tapos binigay na lang lahat ni God, God’s time lang talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN