AlDub first date amasses 12M tweets; "God Gave Me You" singer asks: 'What is ALDUB?'

Isang panibagong record na naman ang sinira ng AlDub hashtag sa Twitter. Ang #ALDUBMostAwaitedDate ay umabot sa mahigit 12 million tweets sa loob lamang ng 24 oras o isang araw.


Isang panibagong record na naman ang sinira ng AlDub hashtag sa Twitter.

Ang hashtag na #ALDUBMostAwaitedDate ay umabot sa mahigit 12 million tweets sa loob lamang ng 24 oras o isang araw.

Ang #ALDUBMostAwaitedDate ang hashtag para sa first date nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong araw, September 19.

Read: Alden Richards and Yaya Dub's first date ends in tragedy?

Sinira ng more than 12 million tweets ng #ALDUBMostAwaitedDate ang record na naitala ng #ALDUBTheAbduction, na mayroong 6.37 million, nito lamang September 12.

Ibig sabihin, halos doble ang itinaas ng bagong AlDub hashtag sa dati nitong record.

Nauna nang nagpasalamat sina Alden at Maine sa AlDub Nation, sa pamamagitan ng Twitter, nang umabot sa 10 million ang tweets para sa #ALDUBMostAwaitedDate kaninang bandang 3 P.M.

10M tweets!!! #AlDubnation kayo na!!! Maraming maraming salamat talaga sa inyo wooohoooo!!! #ALDUBMostAwaitedDate

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 19, 2015

Pero guys.. 10M tweets?! Seriously?!?! Date palang yan ha, pano na sa tamang panahon?!?! Congrats sa ating lahat!!!!! #ALDUBMostAwaitedDate

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 19, 2015

First hour pa lamang ng #ALDUBMostAwaitedDate, 1 A.M., ay umabot na sa 1 million ang tweets nito.

Umakyat ito sa 2 million bandang 5 A.M., 3 million bandang 8 A.M., 4 million ng 10 A.M., at 5 milllion ng 11 A.M.

Nag-peak lalo ang tweets para sa #ALDUBMostAwaitedDate mula 12 noon hanggang 3 P.M., na siyang oras ng Eat Bulaga.

May 6 million tweets na bandang 12 noon at umakyat ito sa 10 million bandang 3 P.M.

Hanggang sa umabot na nga ito sa 12.1 million until 12 midnight.



BRYAN WHITE ASKS. Hindi lamang sa Pilipinas naging top trending topic ang #ALDUBMostAwaitedDate kundi maging worldwide.

Kaya naman maraming foreigners ang na-curious kung ano ba ang #AlDub na araw-araw nagti-trending sa Twitter.

The world is crazy about this AlDub thing! Yay! Cool! OMG! No big deal! HAHA. CTTO #ALDUBMostAwaitedDate pic.twitter.com/QPuszJ2mkt

— Jay Obdin Tormis (@jayobdintormis) September 19, 2015

Kabilang na rito ang American singer na si Bryan White na siyang kumanta ng "God Gave Me You," ang isa sa pinakasikat na Dubsmash song ni Alden para kay Yaya Dub.

Ginamit din itong jingle para sa telco commercial ng AlDub.

May ilang Pinoys ang nag-tweet kay Bryan kung gaano kasikat ang kanyang kanta sa Pilipinas at tungkol sa AlDub.

@bryan_white your song GodGavemeyou is very famous in the philippines. And dubsmash by famous ALDUB 🙌

— jdL@BC (@whitephantom972) September 17, 2015

@bryan_white Check this out! God gave Me You is the national anthem now in Manila!!! #ALDUBMaiDenForREAL https://t.co/J0ysZib0hf

— mainelove (@OtarraT) September 17, 2015

@bryan_white your song god gave me you us really big in the Philippines.Try to visit. go to the no. 1 tv show eat bulaga and you'll see.

— aljo sanchez (@Aljo_09) September 10, 2015

Na-curious naman si Bryan kaya sinagot niya ang ilang Pinoys na nag-tweet sa kanya:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What is #ALDUB? A wedding? https://t.co/w5dRzYH9nt

— bryan_white (@bryan_white) September 18, 2015

Ni-retweet din ni Bryan ang ilang mensahe ng Pinoy fans tungkol sa AlDub.

Interestingly, mas maraming followers sa Twitter sina Alden at Maine kumpara kay Bryan.

Kung ang AlDub ay pareho nang may more than 1 million Twitter followers, si Bryan naman ay mayroong mahigit 21.8K followers.

At ang latest, finollow ni Bryan ang Twitter accounts nina Alden at Maine.

BRYAN WHITE Finollow si Maine at Alden :) RT THIS! #GMAProudToBeKapuso FOLLOW @ALDUBPINAS16 pic.twitter.com/wihU04Gnjd

— ALDUB|MAIDEN PINAS™ (@ALDUBPINAS16) September 20, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN