American singer Bryan White to perform in Manila for AlDub fans?

Inaayos na ng American singer na si Bryan White ang pagbisita niya sa Pilipinas, bunsod na rin ng requests mula sa AlDub fans. Si Bryan ang kumanta ng "God Gave Me You" na Dubsmash song ni Alden Richards para kay Yaya Dub (Maine Mendoza).


Dahil sa maraming requests mula sa AlDub fans, gumagawa na ng paraan ang mga namamahala sa career ng American singer na si Bryan White na mag-perform dito sa Pilipinas.

Si Bryan ang original singer ng kantang "God Gave Me You," isa sa pinakasikat na Dubsmash song ni Alden Richards para kay Yaya Dub, a.k.a. Maine Mendoza, sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ginamit din ang nasabing kanta para sa telco commercial ng AlDub loveteam.

Binomba ng tweets ng AlDub fans ang Twitter account ni Bryan (@bryan_white) kung saan ibinalita nila kung gaano kasikat ngayon ang "God Gave Me You" sa Pilipinas.

Kaya naman na-curious ang American singer at tinanong: "What is ALDUB?"

Read: AlDub first date amasses 12M tweets; "God Gave Me You" singer asks: 'What is ALDUB?'

Mula rito ay nagkaroon ng impormasyon si Bryan kung ano ang AlDub at kung gaano kalaking bahagi ang "God Gave Me You" sa love story nina Alden at Yaya Dub sa Kalyeserye.

Kalaunan ay ni-retweet na ni Bryan ang mga mensahe ng kanyang followers na may kinalaman sa AlDub.

Panay rin ang gamit niya ng hashtags na #ALDUB at #GGMY.

Ito ang ilan sa mga komento niya sa mga nag-post ng message:

Haha! I'm having fun watching all the activity. Filipino fans have changed my life! 😀 #GGMY #AldubYouAll https://t.co/VRAiU9Uwel

— bryan_white (@bryan_white) September 20, 2015

#AldubYouToo!! #GGMY 😀 https://t.co/5WqlZjeutT

— bryan_white (@bryan_white) September 20, 2015

Finollow rin ni Bryan ang Twitter accounts nina Alden (@aldenrichards02) at Maine (@mainedcm).

Kapansin-pansin din ang malaking bilang na nadagdag sa followers ni Bryan sa Twitter.

Kahapon ay nasa 21,800 followers lamang ito, ngunit ngayong araw ay umakyat na ito sa 43.8K.


BRYAN TO VISIT MANILA? Nang may mga nagsabing sana ay makapunta siya sa Pilipinas, ito ang naging sagot ni Bryan:

Yes. Working on it right now 😀 https://t.co/IYwkpe7aUI

— bryan_white (@bryan_white) September 20, 2015

✈️ Soon! 🎸🎶🎵 #GGMY https://t.co/y5Kp5Pl6rk

— bryan_white (@bryan_white) September 21, 2015

Kinumpirma naman ng representative ni Bryan na inaayos na nila ang pagpunta ni Bryan sa Pilipinas:

#ALDUBMostAwaitedDate Are you ready for @bryan_white in Philippines? We are working on tour dates right now! Where do you want to see him?

— Ken McMeans Presents (@KMPresents) September 21, 2015

@mae_072 @EatBulaga @bryan_white @AlDubNationCebu we are going to make it happen. That's what we do. Bam!

— Ken McMeans Presents (@KMPresents) September 21, 2015

Sina-suggest din ng AlDub fans na live na haranahin ni Bryan sina Alden at Maine kapag nag-perform siya rito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN