Cristine Reyes and Ali Joshua Khatibi plan to have a garden wedding soon

Pinaplano na raw ni Cristine Reyes at ng fiancé niyang si Ali Khatibi ang pagpapakasal, pero uunahin daw muna nilang tapusin ang ipinapagawa nilang bahay. May seven-month-old daughter na ang dalawa, si Amarah.


Napag-usapan na daw ng newly-engaged couple na sina Cristine Reyes at Ali Joshua Khatibi ang pagpapakasal.

Yun nga lang, kailangan daw munang matapos ang ipinapagawa nilang bahay bago ito mangyari.

Read: Cristine Reyes engaged to non-showbiz boyfriend Ali Khatibi

Sa panayam sa kanila ng Rated K ng ABS-CBN na ipinalabas kagabi, September 20, sinabi nina Cristine at Ali na hindi magtatagal at hahantong na rin sa altar ang kanilang pagmamahalan.

Ang gusto raw nila ay isang garden wedding.

Biniyayaan na ang kanilang pagsasama ng isang anak na babae—ang seven-month-old na si Amarah.

Bakit nga ba ganun na lang katibay ang kanilang samahan?

Sabi ni Cristine, “Parang nakakita ako ng sarili ko… what’s this? Yung lalaking version of me.”

Sabi naman ni Ali, bukod sa mahal na mahal niya ang fiancée, itinuturing din niyang best friend si Cristine.

“When I was being with her, she’s my best friend. Our time together… that makes me happy na.”

Taong 2014 nang isinapubliko ni Cristine ang relasyon niya sa isang non-showbiz guy.

Kalaunan, pinangalanan na niya rin itong si Ali Khatibi, isang mixed martial arts competitor.

Kasabay ito ng pag-anunsiyo na siya ay nagdadalantao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN