Bryan White thanks Alden Richards and Maine Mendoza for allowing "God Gave Me You" be part of AlDub

Sa pamamagitan ng Twitter ay nagpasalamat ang American singer na si Bryan White kina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sa paggamit ng kanyang awiting "God Gave Me You" sa loveteam nilang AlDub.


Nagpasalamat ang American singer na si Bryan White kina Alden Richards at Maine Mendoza dahil pinayagan daw ng mga ito na maging bahagi ng AlDub ang kanyang awiting "God Gave Me You."

Ang "God Gave Me You" ang marahil ay pinakasikat na Dubsmash song sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! na nagtatampok sa tambalan nina Alden at Maine (Yaya Dub).

Sa pamamagitan ng Twitter ay ipinaabot ni Bryan ang kanyang pasasalamat kina Alden at Maine.

I want 2 personally thank @mainedcm @aldenrichards02 for allowing #GGMY to be a part of #ALDUB. I'm humbled and honored 😊 #ALDUBNextChapter

— bryan_white (@bryan_white) September 23, 2015

Agad namang sumagot sina Maine at Alden sa pamamagitan din ng Twitter:

Pleasure is ours! More power to you, Bryan! Hope to see you perform live soon! 😊 https://t.co/BgENq06e2g

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 23, 2015

@bryan_white we thank you for the beautiful song sir, it inspires a lot of people to be better and align themselves to God. See you soon po.

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 24, 2015

Ni-retweet ni Bryan ang message para sa kanya ni Maine.

At ito naman ang sagot niya kay Alden:

Thanks brother. I'm honored. Grateful u and so many have made it such a part of their lives. Yes see u soon! #GGMY https://t.co/TbiMFDs6We

— bryan_white (@bryan_white) September 24, 2015

Dahil sa popularidad ngayon ng "God Gave Me You" ay maraming fans ng AlDub ang nag-request kay Bryan na pumunta siya sa Pilipinas upang mag-perform at haranahin nang personal sina Alden at Maine.

Ayon kay Bryan, inaayos na ng kanyang management team ang pagpunta niya sa Pilipinas upang pagbigyan ang requests ng mga nagtu-tweet sa kanya.

Read: American singer Bryan White to perform in Manila for AlDub fans?

Nag-post pa nga si Bryan ng litrato niya sa Twitter na naka-pabebe wave at may hawak na fan sign na ganito: "#GGMY #ALDUBYOUALL"

Coming to see you soon. Thank you for so much support. So grateful that God Gave Me YOU! 😊 #GGMY #ALDUBNextChapterㅤ pic.twitter.com/S3JwZJsYZK

— bryan_white (@bryan_white) September 22, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN