Empress Schuck gives birth to baby girl

Empress Schuck is a proud first-time mom to Baby Athalia, who was born on Sunday, September 27, around 1:00 p.m. at St. Lukes Medical Center in Quezon City. The baby weighs seven lbs. and measures 9.5 inches.


Isinilang ng Kapuso actress na si Empress Schuck ang kanyang first baby sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Vino Guingona ngayong Linggo, September 27, bandang 1:00 p.m. sa St. Luke's Medical Center, Quezon City.

Athalia ang pangalang binigay ni Empress at ng kanyang boyfriend sa baby nila.

Ayon sa text message ng manager ni Empress na si Katrina Aguila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) senior staffwriter na si Arniel Serato, ang haba ni Baby Athalia ay 9.5 inches, at 7 lbs. ang kanyang timbang.

Kahapon, September 26, bandang 11:00 a.m. nagsimulang mag-labor si Empress.

Pinanganak niya si Baby Athalia sa pamamagitan ng normal delivery.


FAMILY AND FRIENDS. Kuwento ni Katrina kay Arniel, "Vino, and her sister Princess, were present during the birth.

"The OB/Gyn had to vacuum Athalia.

"Nahirapan si Em [Empress] because of the epedurial and malaki ang baby but nakaraos naman and she is resting.

"Her whole family is there including mom [Becky Aguila]."

Nag-post si Katrina sa kanyang Instagram ng litrato ni Empress habang nagle-labor at nagpa-"pabebe wave."

Kasunod nito ang litrato ni Athalia.

Welcome to the world Athalia 😍

A photo posted by Katrina aguila (@katrina_aguila) onSep 26, 2015 a

11:51pm PDT



TELLING THE PUBLIC. Matatandaang inamin ni Empress sa GMA show na Startalk noong April na siya ay tatlong buwang buntis.

Ito'y sa kalagitnaan ng kanyang unang proyekto sa GMA, ang Kailan Ba Tama ang Mali?

Read: UPDATED. It's confirmed: Empress Schuck is three months pregnant


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN