Joey de Leon reacts to Lea Salonga's "kababawan" Twitter post

Eat Bulaga! host Joey de Leon gives his two cents on Lea Salonga's "kababawan" tweet on Saturday, September 26: "Tama na yang pagtatalo. Magkakapatid tayo. Paliwanagan lang yan. Maliwanag na 25.6 million 'di ba? Okay, PEACE, este PIECE, maliit na bagay."


Hindi nakaligtas sa paningin ng veteran comedian-TV host na si Joey de Leon ang Twitter post ng Broadway star na si Lea Salonga tungkol sa "kababawan."

Marami ang nag-react sa tweet na ito ni Lea noong September 26: "Okay lang sa akin ang kababawan, pero hanggang doon na lamang ba tayo? #NagtatanongLangPo"

Bagamat walang direktang binanggit si Lea kung sino ang pinatutungkulan niya, maraming netizens ang naghinalang may kinalaman ito sa AlDub phenomenon.

Ang AlDub ang sikat na sikat ngayong tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub), na napapanood sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, kung saan isa sa original hosts si Joey.

Umani ng batikos ang naturang Twitter post na ito ni Lea mula sa tagasuporta ng AlDub, at maging ilang celebrities ay nag-react din dito.

Nataon kasing nang mag-post si Lea sa Twitter ay siyang araw at oras kung kailan ipinalabas ang unang pag-akyat ng ligaw ni Alden kay Yaya Dub (Maine) sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Noong Sabado rin ay idineklara ng Eat Bulaga! bilang National Pabebe Wave Day, na tumutukoy sa pinasikat na kaway nina Yaya Dub at Alden.

Read: Lea Salonga clarifies her "kababawan" Twitter post has nothing to do with AlDub

Ngunit kaagad na nilinaw ni Lea na walang kinalaman sa AlDub ang kanyang Twitter post, kaya ipinagtataka niya kung bakit umani ito ng maraming batikos mula sa netizens.

JOEY REACTS. Kaugnay ng isyung ito, naghayag ng kanyang saloobin ang Eat Bulaga! host na si Joey de Leon, sa pamamagitan din ng Twitter, tungkol sa naging tweet ng The Voice coach.

Sabi ni Joey sa kanyang post kahapon, September 27: "Hindi naman pala daw AlDub pinatatamaan ni Lea. Baka naman yung kabila? Nagtatanong lang po."

Dagdag pa niya: "Baka naman yung tuwit ni Lea "in General" kaya kay General na lang sya magpaliwanag."

Si Lea ay isa sa mga coach ng The Voice of the Philippines na napapanood sa ABS-CBN, kung saan din ipinapalabas ang katapat na programa ng Eat Bulaga, ang It's Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Eat Bulaga! ay ipinapalabas sa GMA Network.

Tinanong pa ni Joey ang kanyang followers kung ano ang opinyon nila sa showbiz personalities na hindi raw pamilyar sa AlDub, gayong araw-araw itong kasama sa top trending topics sa Twitter at sa iba pang social networking sites.

Sunud-sunod din ang tweets ng veteran comedian-TV host patungkol pa rin sa kontrobersiyal na Twitter post ni Lea:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN