Ellen Adarna on quickie rumor with Paulo Avelino: "If ever may nangyari man talaga... paki niyo?"

Pinabulaanan ng Kapamilya sexy star na si Ellen Adarna na may nangyari sa kanila ni Paulo Avelino sa nakaraang Star Magic Ball. Sabi ng Pasion de Amor star, nanigarilyo lang sila ni Paulo sa labas ng hotel.


Pinabulaanan ni Ellen Adarna ang usap-usapang may nangyari sa kanila ng kapwa Kapamilya star na si Paulo Avelino noong nakaraang 9thStar Magic Ball.

Ang taunang event na ito ng talent arm ng ABS-CBN ay ginanap noong September 12 sa Makati Shangri-La Hotel.

Ayon sa mga lumabas na report, lasing na lasing daw si Ellen nang dumating sa venue.

Bagamat ang co-star niya sa Pasion de Amor na si Ejay Falcon ang ka-date niya noong gabing iyon, nang pumasok sila sa grand ballroom ay iniwan daw ng sexy star ang aktor at tumabi kay Paulo.

Read: Ellen Adarna gets bashed for ditching Ejay Falcon for Paulo Avelino at Star Magic Ball

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media kay Ellen kaninang tanghali, September 29, ay nilinaw niya ang tungkol sa isyung ito.

Natatawang sabi niya, “Oh, really? Kasi ang humatid sa kuwarto ko, sina Coleen [Garcia] and Billy [Crawford].

“And then my yaya was there and then my manager was there.

"We slept in one room."

Natawa lang daw sila ni Paulo nang lumabas ang ‘quickie rumor’ tungkol sa kanila.

Pahayag ni Ellen, “Because we are smoking cigarettes in the smoking area.

“It was like... if ever may nangyari man talaga, if ever nag-quickie daw kami, well, so... paki niyo?

"Ay, may naganap palang ganyan? A, baka smoking is the new sex!"

Iginiit pa ni Ellen na walang malisya ang samahan nila ni Paulo dahil matagal na silang magkaibigan.

“Paulo? Matagal na kaming magkaibigan ni Paulo. Matagal na matagal na.

“If ginusto namin… if ginusto naming dalawa, e, di matagal na din sanang naging kami,” nakangiti niyang sabi.

Mayroon din daw siyang idini-date ngayon.

"I have a boyfriend. I’m dating someone now."

Nakausap ng media si Ellen sa turnover ceremony niya bilang 2015 calendar girl ng Ginebra San Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang nasabing event sa Sequoia Hotel, Quezon City, kung saan inilunsad na rin ang 2016 calendar girl na si Arci Muñoz.



SHORT-LIVED ROMANCE WITH EJAY? Bali-balita ring nanligaw talaga si Ejay kay Ellen, pero hindi raw ito nagtagal.

Pagkumpirma naman ni Ellen, “Kinda.”

Bakit natigil ang panliligaw nito sa kanya?

Paglilinaw ni Ellen, “Hindi naman buwan [na nanligaw].

"Sabi ko naman kay Ejay, kasi hindi ako sanay na nililigawan.

"Si Ejay is very traditional, so parang nagpapadala siya ng flowers, nagpapadala siya ng pagkain.

“Hindi ko alam na panliligaw na pala yun kasi hindi ako sanay na ganyan.

"Until eventually nasabi niya na, ‘Alam mo ba na parang niligawan kita?’

“’A, talaga? Okay.’

"Pero I told him, ‘Ejay, kaka-break ko lang ng ex-boyfriend ko.

"'I’m not ready for anything. Wala ako maibibigay sa iyo.

"'Kung manligaw ka, e, di manligaw ka.’

“And I told him na, 'I was enjoying my dating stage and I am dating other guys.'”

So, basted na ba sa kanya ang co-star sa Pasion de Amor?

“Grabe naman 'yang word na basted! Sinabi ko lang sa kanya to stop,” sagot ni Ellen.

Dahil sa pagiging open at outgoing ni Ellen, marami ang namba-bash sa kanya.

Ang sabi lang niya tungkol dito: “Kebs! Nababasa ko pero I had bigger problems, so it’s nothing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN