James Reid posts cryptic messages on Instagram after sighting with Ningning star Debs Garcia

James Reid posted this mesaage on his Instagram account following rumor that he's going out with Ningning star Debs Garcia: "I get that you all want me to just live your fantasy. But sorry, this is my life."


Muling pinaalalahanan ni James Reid ang kanyang fans na iba ang personal niyang buhay sa nakikita nila kapag nakaharap na siya sa camera.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, September 29, sinabi ng On the Wings of Love actor: “I get that you all want me to just live your fantasy. But sorry, this is my life.”

Pakiusap din niya sa fans na nagko-comment sa kanyang Instagram account: “Stop talking on Nadine's behalf you don't know what she thinks or feels.”

Hindi maiwasang maiugnay ng followers ni James ang kanyang Instagram post sa kumalat na larawan kahapon, September 28, kung saan kasama niya ang Ningning star na si Debs Garcia sa isang music festival.

Dahil dito, may ilang fans ng tambalang James at Nadine Lustre ang nadismaya.

Pero mas marami naman ang nagpakita ng suporta kay James sa kabila ng kanyang sinabi.

Matatandaang halos ganito rin ang post ni James noong nakaraang linggo, kung kailan lumabas ang larawan niya kasama pa rin si Debs sa isang bar sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Sabi ni James sa naturang post: “I've never pretended to be anything but myself. Everyone, stop acting so surprised all the time.”

I've never pretended to be anything but myself. Everyone, stop acting so surprised all the time.

A photo posted by James Reid (@jaye.wolf) onSep 21, 2015 at 9:56am PDT

Agad naman nilinaw ni Debs sa kanyang Instagram na magkaibigan lamang sila ni James.

Sa nakaraang panayam kay Nadine, inilarawan niya ang relasyon niya kay James bilang “partners in crime.”

Samantala, sa #PEPtalk with James Reid kamakailan, pinasasalamatan ng binatang aktor ang kanyang ka-loveteam sa muling pagbabalik niya sa showbiz.

“I didn’t make it without Nadine,” sabi niya

Panoorin ang #JamesReidonPEPtalk dito: http://bit.ly/PEPtalkJamesReid2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN