Claudine Barretto reveals court battle with estranged husband Raymart Santiago almost settled

Ayon sa abugado ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdinand Topacio, limang porsiyento na lang halos at matatapos na sana ang kaso ng kanyang kliyenteng si Claudine Barretto at Raymart Santiago. Ang nagpatagal lang daw para matapos na ang kanilang laban sa korte ay ang kasong isinampa ng dating katulong ni Claudine na si Dessa Patilan, na itinaguyod naman ng kapatid nitong si Gretchen Barretto.


Pumukaw sa atensiyon ng followers ni Claudine Barretto ang kanyang Instagram post na ito last week: “I tried. I tried. I tried. I tried. I’m tired.”

May caption pa itong “I really did.”

I really did.

A photo posted by @claubarretto onSep 19, 2015 at 9:45am PDT

Wala nang paliwanag ang comebacking actress sa post niyang ito.

Kagabi, September 30, sa guest appearance ni Claudine sa Tonight With Boy Abunda, naitanong ng host na si Boy Abunda ang tungkol dito.

Paliwanag ng 36-year-old actress, “It was something between na talagang Raymart [Santiago, her estranged husband] and I na inaayos sa court, na ito na yung last.

"Ito na yung last straw, last stage, na parang hindi pa rin maayos-ayos, hindi talaga maayos-ayos.

“Na nasabi ko na lang na, ‘Lahat na ibinigay ko, lahat na okay na. Parang kayo naman na gumalaw,’ parang ganun.

“So, dun yun, dun yun nanggagaling yung ‘I tried.’

"Hanggang sa huli lahat ibinibigay ko, [pero] hindi pa rin."

Ngayong Huwebes ng tanghali, October 1, ay tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang abugado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio upang alamin ang mga detalye ng sinasabi ng kanyang kliyente.

Ayon kay Atty. Topacio, limang porsiyento na lamang ang kulang at tuluyan nang mareresolba ang legal case sa pagitan ni Claudine at estranged husband nitong si Raymart.

“Ayos na ang tungkol sa visitation, child support, at sa hatian ng properties.”

Ang problema na lamang daw ngayon ay ang reklamo ng dating katulong ni Claudine na si Dessa Patilan, na pinaghihinalaan nilang sinuportahan ng kampo ni Raymart at ng kapatid ng aktres na si Gretchen Barretto.

Sabi ni Atty. Topacio, “Yun na lang kay Dessa. Kaya nga nanawagan kami na huwag nang makialam si Gretchen. Siya naman ang nag-ano niyan, e.”

Read: FIRST READ ON PEP: Claudine Barretto's personal assistant files theft complaint against her

CLAUDINE IS BACK. Sinabi ni Claudine na hindi pa siya handa sa usapin ng pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero gusto raw niyang ang susunod na makakarelasyon niya ay kaya siyang ipaglaban, mahalin, at buhayin.

“Accepting. Yung ia-accept ako at yung pamilya ko lalo na ang mga anak ko.

“Pangalawa, yung kaya akong panindigan.

“At kaya akong buhayin.”

Sa isang bahagi ng “Fast Talk” segment ng Tonight With Boy Abunda, natanong si Claudine kung 'Sex or chocolates.'

Natatawang sagot ng aktres, “Matagal-tagal na [walang sex]!”

Pero biglang bawi niya, “Chocolates na lang.”

Ano naman ang best time for sex para sa kanya?

“Afternoon delight!” na labis namang ikinatuwa ng mga tao sa studio.

Sa huli, pinadugtungan ni Boy ang sentence niyang ito sa aktres: “I am Claudine Barretto and…”

Dugtong ni Claudine, “…I’m back and I’m here to stay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN