KimXi joins battle of loveteams in MMFF 2015; to compete against AlDub and JaDine

MMFF 2015 loveteams: Kim Chiu and Xian Lim (left) will be joining the cast of All You Need Is Pag-ibig; Alden Richards and Maine Mendoza (center) are featured in My Bebe Love; and James Reid and Nadine Lustre are part of Beauty and the Bestie.


Mukhang magiging labanan ng loveteams ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

Kung nitong mga nakaraang taon ay palaging namamayagpag ang comedy, fantasy, at horror films sa taunang MMFF, ngayong 2015 ay tila mas naka-focus ang atensiyon ng publiko sa mga tambalang tampok sa ilan sa mga kalahok na pelikula.

Apat sa walong official entries ngayong taon ay romantic-comedy films.


ALDUB. Nauna nang naianunsiyo ang pagkakasama nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, o ng AlDub loveteam, sa pelikula nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas na may titulong My Bebe Love.

Mula sa direksiyon at panulat ni Jose Javier Reyes, ang My Bebe Love ay co-produced ng OctoArts Films, M-ZET Productions, at APT Entertainemnt, Inc.

Nagsimula nang gumiling ang kamera para sa pelikulang ito at nakapag-shoot na rin ng ilang mga eksena sina Alden at Maine.

Pagkatapos ianunsiyo ang unang pagtatambal sa pelikula ng phenomenal loveteam na AlDub, kapansin-pansin na tila gumawa ng 'necessary adjustments' ang ibang mga kalahok na pelikula sa MMFF 2015.

JADINE. Sa pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin na Beauty and the Bestie ay idinagdag sa cast ang sikat na sikat ding tambalan nina James Reid at Nadine Lustre o ang JaDine, na napapanood sa primetime series na On The Wings of Love.

Ang Beauty and the Bestie ay mula sa Star Cinema at Viva Films.

Apat sa pelikula ni Vice ang nasa Top 10 highest-grossing Filipino films: The Amazing Praybeyt Benjamin (No. 1), Girl Boy Bakla Tomboy (No. 2), Sisterakas (No. 6), at The Unkabogable Praybeyt Benjamin (No. 7).

Lahat ng mga nabanggit na pelikula ay idinirek ni Wenn Deramas, na siya ring direktor ng Beauty and the Bestie.

Read: AlDub vs JaDine in Metro Manila Film Festival 2015

KIMXI. Ang latest namang loveteam na makikilahok sa MMFF 2015 ay sina Kim Chiu at Xian Lim o ang KimXi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon lang, October 1, ay inanunsiyo ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account (withlovekrisaquino) ang pagkakasama nina Kim at Xian sa pelikulang pagtatambalan nila ni Mayor Herbert Bautista, ang All You Need Is Pag-ibig.

Nagkaroon pa nga ng kalituhan sa casting dahil sa ulat ng Bandila kagabi ay sinabing sina Liza Soberano at Enrique Gil o LizQuen daw ang makakasama nina Kris at Mayor Hebert.

Pero sa Instagram post ni Kris at sa official website ng Star Cinema ay kinumpirma nilang sina Kim at Xian ang kasama sa pelikula.

Ito na ang ikalawang beses na nagpalit ng title ang Kris-Herbert movie.

Ang original title nito ay Mr. and Mrs. Split, pero noon lamang September 25 ay inanunsiyo ni Kris na pinalitan na ito ng Pamilyang Love, Love, Love.


Pero sa Instagram account ni Kris kagabi ay sinabi niyang All You Need Is Pag-ibig na ang final title nito.


Kasama rin sa pelikula ang bunsong anak ni Kris na si Bimby Aquino Yap.



Ang All You Need Is Pag-ibig ay ididirek ni Antoinette Jadaone, na siyang direktor ng surprise hit na That Thing Called Tadhana at ng On The Wings of Love.


OTHER ENTRIES. Bukod sa mga nabanggit na pelikula, ang iba pang entries sa MMFF 2015 ay ang mga sumusunod:

Buy Now, Die Later (Quantum Films) - Starring Vhong Navarro, Alex Gonzaga, Janine Gutierrez, Rayver Cruz, Ian Veneracion, Lotlot de Leon, Jayson Gainza, and John Lapus; directed by Randolph Longjas.

Haunted Mansion (Regal Entertainment Inc.) - Starring Janella Salvador, Marlo Mortel, and Jerome Ponce; directed by Jun Lana.

Hermano Puli (Teamwork Film Productions) - Starring Aljur Abrenica, Alessandra de Rossi, and Enzo Pineda; directed by Gil Portes.

Nilalang (Haunted Towers Pictures, Inc.) - Starring Cesar Montano and Maria Ozawa; directed by Pedring Lopez.

Walang Forever (Quantum Films) - Starring Jennylyn Mercado and Jericho Rosales; directed by Dan Villegas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban sa AlDub, JaDine, at KimXi, may iba pang tambalang tampok sa walong entries ng MMFF 2015.

Ang My Bebe Love ang ikalawang pagtatambal nina Vic at Ai-Ai pagkatapos ng Enteng ng Ina Mo noong 2011.

Sina Kris at Mayor Herbert, na nagkaroon ng short-lived romance sa tunay na buhay, ay unang beses na magsasama sa isang pelikula via All You Need Is Pag-ibig.

Pagkatapos naman ng matagumpay na English Only, Please nina Jennylyn at Derek Ramsay noong MMFF 2014, si Jericho Rosales naman ngayon ang makakatambal ni Jennylyn sa romantic-comedy film na Walang Forever.

May following na rin ang tambalan nina Janella at Marlo, ang Jarlo, na nagsimula sa defunct ABS-CBN daytime series na Oh My G!, at masusubukan itong muli sa horror movie na Haunted Mansion.

Masusubukan naman ang comic tandem nina Vhong at Alex sa Buy Now, Die Later.

PEPsters, anong loveteam sa palagay niyo ang mamamayagpag sa MMFF 2015?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN