Jessy Mendiola challenges her bashers: “Palit tayo for a day. Baka kayo mismo ang sumuko.”

Ayon kay Jessy Mendiola, matagal na siyang nagtitimpi sa bashers. Pero napuno na ang aktres kaya hindi na nagpaawat at pinatulan ang mga ito. Nakipagpalitan ng komento si Jessy sa ilang bashers niya sa Instagram kagabi, October 1.


Hindi na napigilan ni Jessy Mendiola ang kanyang damdamin at pumatol na sa ilang bashers niya sa Instagram (senorita_jessy).

Marami kasi sa mga nagkomento sa post niya kahapon, October 1, ang nagsabing mag-move on siya dapat sa balitang hiwalayan nila ni JM de Guzman.

Nakalagay sa post ni Jessy ang mga ganitong salita: “I don’t hate you. I’m just disappointed you turned into everything you said you’d never be.”

Wala itong nakalagay sa caption.

Sagot ng Kapamilya actress sa isa niyang follower: “@dulnaem at ikaw? I will take my time to MOVE ON. Puso ko to.

“Ako ang magsasabi kung kelan ako mag-move on at kung kelan ako hindi pa ready.

“Ikaw try mo mag-move on sa instagram account ko. Magunfollow ka kung ayaw mo o wag mo nang bisitahin account ko ng hindi ka frustrated magsabi sakin ng MOVE ON. Keri? BLOCKED.”

Nitong mga nagdaang araw ay kumalat ang balitang hiwalay na sina Jessy at JM, ilang buwan lamang ang nakalilipas mula nang magbalikan sila.

Read: Jessy Mendiola and JM de Guzman's relationship on the rocks?

Lalo pang umingay ang naturang balita nang magpasalamat si JM kay Jessy sa isang post ng aktor sa Instagram.

Read: JM de Guzman's cryptic Instagram post fuels breakup rumors with Jessy Mendiola

Pero sa isang panayam, pinabulaanan ni Jessy ang naturang balita.

Read: (UPDATED) Jessy Mendiola denies rumored breakup with JM de Guzman; hits back at bashers

“PALIT TAYO FOR A DAY.” Sabi naman ng isa pang basher ni Jessy na si @yhesoliman: “Napansin ko lang wala iba ginawa si @senorita_jessy kundi mg post ng mgpost ng mga parinig, tas maya2 idedelete…”

Marahil ang tinutukoy niya ay ang isang comment din ng aktres last week tungkol sa mga pinagdaanan diumano nila ni JM.

Kumalat sa Internet ang burado nang komento na ito ni Jessy:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tigilan niyo akong lahat. Hindi niyo alam ang pinagdadaanan ni JM ngayon at mas lalong hindi niyo alam ang nangyayari saming lahat.

“Sana maisip niyo kung totoong mahal niyo ang isang tao bilang fan man o kaibigan tumulong nalang kayo maging maayos lahat imbes na naninira kayo at nambabash kayo ng kapwa tao.

“Ang kikitid ng mga utak niyo, kaya hindi ako nagsasalita sa mga interviews dahil ayoko humaba pa. Sige, antayin niyo sasabihin ko para manahimik kayo.”

Ang tinutukoy marahil ni Jessy rito ay ang hindi niya pagsasalita sa interviews kaugnay ng nangyaring gulo sa eroplano papuntang London noong September 5, kung saan nakatakda silang mag-perform para sa ASAP in London.

Diumano, lasing na lasing ang aktor na si Enrique Gil at nagkaroon ng komosyon sa pagitan niya at ni Luis Manzano.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Sabi naman ni @ylangbango: “Hope this does not mean ginugulo mo naman iyong ulo niya.”

Kalaunan, sumagot si Jessy tungkol dito.

Sabi ng aktres: “Try mo. Tignan ko kung kaya niyo kung nasaan ako ngayon. Palit tayo for a day. Baka kayo mismo ang sumuko. @dulnaem @yhesoliman @ylangbango #bashpamore

“MATAGAL NA AKO NAGTITIMPI.” Ayon naman sa isa pang follower ni Jessy, kaya raw siya bina-bash dahil ipinost ng isang gossip blog ang kanyang IG post.

Ani @bebebear128, “@senorita_jessy fashion pulis posted your quote on their site kaya nang aatack naman sa IG mo yung mga haters.”

Tugon ng 22-year-old Kapamilya star: “@bebebear128 i dont care. Fashion pulis can post whatever he wants, halos di naman din totoo mga pinopost niyang iba kaya pagbigyan nalang natin sa pagrepost ng pa-quotes ng iba.

“Ako din magpopost ng gusto ko. Matagal nako nagtitimpi.

“Lahat sinasabihan ako na wag patulan blah blah blah. But i will take time to reply right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just want to say sa lahat ng nagmamarunong at alam kung ano nangyayari. Na OKAY lang. Sige. Umatake pa kayo.

“Ikatutuwa niyo yan eh. Ikabubuti ng buhay niyo yan. I will post what I want to post because this is MY instagram account.

“Bahala na kayong lahat. Sige bash pa at comments pa ng nega. Dyan kayo mabubuhay ng matiwasay. GOOOOO.”

Ngayon umaga, October 2, ito naman ang pinakahuling post ni Jessy: “She who is brave is free.”

Good morning. 💙

A photo posted by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) onOct 1, 2015 at 6:25pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN