Alden Richards reaches 2M followers on Twitter

Eat Bulaga! mainstay Alden Richards achieves another milestone in his career after reaching the 2 million mark on Twitter.


Umabot na sa 2 million ang followers ng Kapuso actor-TV host na si Alden Richards sa Twitter ngayong araw, October 4.

Ito ay pagkatapos lamang ng isang buwan at tatlong araw mula nang maabot niya ang 1M mark noong September 1.

Read: Alden Richards reaches one million followers on Twitter

Ayon sa socialbakers.com, si Alden (@aldenrichards02) ay pumangalawa sa listahan ng fastest-growing Filipino celebrities profiles sa Twitter nitong nakalipas na buwan.

Nadagdagan siya ng 953,200 followers sa loob lamang ng isang buwan.

Ang kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza o Yaya Dub (@mainedcm) ang nasa No. 1 spot with additional 1,137,939 followers.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 1.89 million followers si Maine sa Twitter, at inaasahang sa susunod na mga araw ay aabot na rin ito sa 2 million.

Samantala, nasa Top 5 fastest-growing celebrities in the Philippines din ang dalawa pang kasamahan nina Alden at Maine sa Eat Bulaga.

Ang veteran comedian-TV host na si Joey de Leon (@angpoetnyo) ay nasa third spot with additional 562,152 followers. As of today ay nasa 964,000 na ang total number of followers niya sa Twitter.

Panglima naman si Paolo Ballesteros (@pochoy29) with additional 313,502 followers; nasa 692,000 na ngayon ang Twitter followers niya.

Pang-apat ang Kapamilya comedian-TV host na si Vice Ganda (@vicegandaako) with additional 342,012 followers. Pero sa kabuuan ay nasa 6.03 million na ang kanyang followers sa Twitter.

Nitong nakalipas na linggo ay nasa No. 4 spot si Alden sa fastest-growing celebrities profiles sa Twitter worldwide.

Kahilera ng Pambansang Bae sina Inci Sabanci (No. 1), ang singers na sina Katy Perry (No. 2) at Taylor Swift (No. 3), at ang TV host na si Ellen DeGeneres (No. 5).


Agad namang nagpasalamat si Alden sa pamamagitan ng kanyang Twitter account:

Good vibes Sunday! Maraming salamat. 🙏🏻 pic.twitter.com/2SX03SfPkM

— Alden Richards (@aldenrichards02) October 4, 2015



GLOBAL PHENOMENON. Noong September 30 lang ay naging ganap na verified accounts ang Twitter accounts nina Alden at Maine.

Ayon sa Twitter Help Center, ang verification ng accounts ay upang matiyak na pagmamay-ari talaga ng isang mahalagang indibidwal o brand ang isang Twitter acount.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malalaman na verified ang isang Twitter account kung may nakalagay na blue check mark sa tabi ng pangalan nito.

Kaugnay nito, pinapurihan ng isang executive ng Twitter ang pagiging "global phenomenon" ng Aldub sa Twitter, matapos umabot sa 25.6 million ang hashtag na #AlDubEBforLOVE noong September 26.

Pahayag ni Rishy Jaitly, vice president of Media, Asia Pacific and Middle East, Twitter: “Aldub is a global phenomenon on Twitter and shows how our platform as the social soundtrack to TV has really connected Filipinos who love a good love story.

“We can’t wait to see if the live, public Aldub conversation can set global records by uniting their passionate fans, the nation and the world on Twitter.”

Ang nakamamanghang pagdami ng followers nina Alden at Maine sa social media, sa loob lamang ng maikling panahon, ay isang patunay kung gaano kasikat ngayon ang kanilang tambalang AlDub.

Maliban sa araw-araw na nagiging top trending topic sa Twitter ang kanilang hashtags, consistent din ang pagiging toprating ng mga programang kinabibilangan nila at maging ang iba pang TV shows na may feature tungkol sa kanila.

Dagsa rin ang offers sa kanila para sa endorsements at pictorials.

At sa Disyembre ay mapapanood na ang unang pagtatambal ng AlDub sa pelikula, sa pamamagitan ng Metro Manila Film Festival 2015 entry na My Bebe Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN