Luis Manzano questions radio report confirming wedding with girlfriend Angel Locsin in June 2016: “Curious lang po, sino nagkumpirma?”

Ipinagtataka ni Luis Manzano ang lumabas na balita galing sa DZRH Twitter account kung saan diumano'y kinumpirma nito ang kasal sa girlfriend na si Angel Locsin sa June 2016: "Buti pa po iba alam nila! Kami nga hindi pa e :)”


Ipinagtataka ng actor-TV host na si Luis Manzano, 34, ang September 30 Twitter status ng DZRH news, na nagkukumpirma sa pagpapakasal nila ng girlfriend na si Angel Locsin, 30, sa Hunyo 2016.

SHOWBIZ: Kasalang @143redangel - @luckymanzano kinumpirmang sa June 2016 na. #PangunahingBalita

— DZRH NEWS (@dzrhnews) September 30, 2015

Nag-react ang ASAP20 co-host tungkol dito kinabukasan, October 1.

Buti pa po iba alam nila! Kami nga hindi pa e :) https://t.co/HtQRAln2wW

— Luis Manzano (@luckymanzano) October 1, 2015

Tinanong din ni Luis kung sino ang nagkumpirma ng kasal.

Curious lang po, sino nagkumpirma? :) https://t.co/HtQRAln2wW

— Luis Manzano (@luckymanzano) October 1, 2015

Pero sinabi ni Luis sa pinakahuling tweet niya na "malay nga naman natin" kung magpapakasal na nga sila ni Angel sa 2016.

Pero malay nga naman natin ;) https://t.co/HtQRAln2wW

— Luis Manzano (@luckymanzano) October 1, 2015

Sa mga nagdaang panayam, inamin ng Kapamilya: Deal or No Deal host na papakasalan niya ang nobya sa lalong madaling panahon.

Read: Luis Manzano on settling down with Angel Locsin: "Hopefully, very soon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN