Sharon Cuneta will not stop husband Kiko Pangilinan from running again for senator

Sharon Cuneta on being passionate: "Hindi alam ng tao na I’m passionate, I’m sensual, you know. I’m those things… lahat sila."


Hindi raw hahadlangan ni Sharon Cuneta ang mister niyang si dating Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan kung sakaling tumakbo itong muli bilang senador sa 2016 elections.

Malakas kasi ang bulung-bulungan na isa si Kiko sa napipisil na mapabilang sa senatorial lineup ng Liberal Party sa susunod na eleksiyon.

Saad ni Sharon, “Actually, yeah…

“Kasi parang kapag sinabi mo na huwag ka nang mag-politics, para mong sinabi sa akin huwag ka nang kumanta, huwag ka nang mag-artista.

“Yun ang buhay niya. Saka lalaki siya, e.

“Parang he likes to serve the country and it’s a good position for him.

“So, ako, kung saan siya… he’s still praying.

“Sabi ko, ‘You’re already number one in the service. Wala ka namang ginagawa, di ba?’

“I think people like good government.

“So, maski paano naman, kahit konting kontribusyon, kahit isa lang siya, may magawa siyang mabuti.

“Kasi we’ve proven na… abonado pa kami.”

Ang ibig sabihin dito ni Sharon ay ang malinis na record ni Kiko bilang public servant.

UNDER LIBERAL PARTY. Kung tuloy ang pagtakbo ni Kiko, tiyak na ba na sa ilalim siya ng Liberal Party?

“Oo, I think nag-ano na… di ba, yesterday ba?

“Parang in-announce yata, di ba?

“He told me there’s gonna be announcement.”

Sa Biyernes, October 9, nakatakdang ianunsiyo ang senatorial lineup ng Liberal Party.

Nauna nang idineklara ng Liberal Party na si dating Secretary Mar Roxas ang kandidato nila bilang presidente sa 2016 elections.

Ngayong araw naman, October 5, ay inanunsiyo na rin na si Camarines Sur Representative Leni Robredo ang magiging vice presidential candidate ng LP.

Read: Leni Robredo is Mar Roxas's running mate in 2016 elections

Ikakampanya ba ni Sharon si Mar for President?

Tugon ng Megastar, “I cannot answer. My concern right now is my husband.

“I don’t know who else is running apart from ano…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron akong ano… Ang hirap, e, ‘no? Mahirap magsalita.

“Pero sa puso ko, meron akong gustong manalo.

“Pero asawa ko muna ang pag-usapan natin. Asawa ko muna!” tawa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sharon pagkatapos ng live interview niya sa Tonight With Boy Abunda ng ABS-CBN noong Huwebes, October 1.



SEX OR CHOCOLATE. Sa “Fast Talk” segment ng show ay nagulat ang marami sa sagot ni Sharon sa tanong ni Boy Abunda kung ano ang pipiliin niya between sex and chocolate.

Ang pinili ng Megastar ay “sex.”

Natatawang sabi ni Sharon, “Aanhin ko naman yung chocolate?!

“Alangan naman yung tatlong anak ko, e, immaculate conception?”

Paliwanag pa niya, “Kasi hindi alam ng tao na I’m passionate, I’m sensual, you know.

“I’m those things… lahat sila.”

Aware naman ba si Kiko sa pagiging passionate and sensual niya?

“Siguro naman, 'no!” natatawang sagot ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN