Kean Cipriano finally confirms relationship with Chynna Ortaleza

Matagal-tagal nang usap-usapan ang relasyon ng singer-actor na si Kean Cipriano at ng Kapuso actress na si Chynna Ortaleza. Madalas silang mag-post sa kani-kanilang Instagram account ng mga larawang magkasama sila, pero hindi nila kinukumpirma ang totoong estado ng kanilang relasyon. Pero kagabi, October 5, umamin na rin si Kean na girlfriend nga niya si Chynna.


“Yes” ang diretsong sagot ni Kean Cipriano, 28, sa tanong ni Boy Abunda kung girlfriend ba nito ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza, 32.

Ginawa ng tinaguriang “Rebel Rock Royalty” ng Your Face Sounds Familiar Season 2 ang pag-amin sa episode ng Tonight With Boy Abunda kagabi, October 5.

At 28 years old, iniisip na magpakasal ni Kean. Kean on Chynna: "She's my future" #TWBAKeanAdmission

A photo posted by Tonight With Boy Abunda (@twbaofficial) onOct 5, 2015 at 8:15am PDT

Sabi pa ni Kean tungkol kay Chynna: "She’s good and she is the most beautiful girl I’ve seen in my life.”

Matagal nang usap-usapan ang relasyon nina Kean at Chynna dahil sa sweet moments na ipinu-post nila sa kani-kanilang mga Instagram accounts.

Pero hindi nila pormal na inaamin ang ugnayan nila sa publiko.

VIEW GALLERY: LOOK: Photos that hint the real score between Chynna Ortaleza and Kean Cipriano

Read: Kean Cipriano on Chynna Ortaleza: "I love her... she's the future."


MARRIAGE? Dalawampu’t walong taong gulang na ang vocalist ng bandang Callalily. Naiisip ba niya ngayon ang pag-aasawa?

Sagot ni Kean, “Yes, yes.”

Hindi pa naman daw nila direktang napag-uusapan ni Chynna ang pagpapakasal, pero sabi ng singer-actor tungkol sa kasintahan: “She’s my future.”

Ang labis daw na nagbuklod sa kanila ay ang kanilang hilig sa sining.

Sabi ni Kean, “The thing with us, yung art, ang laking bagay na sa amin.

"Kinukunekta niya kami nang solid na parang mahirap yatang tibagin yung art."

Sa “Fast Talk” segment naman ng show, natanong si Kean kung sino ang pinaka-seksing babae sa Pilipinas.

Tugon niya, “Chynna Ortaleza.”

Kung bubuksan naman daw ang kanyang puso, may letrang ‘C’ daw na nakaukit dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN