Piolo Pascual apologizes to Sharon Cuneta: “If there is anything I did to offend her and her family, I’m also sorry for it.”

Piolo Pascual on Sharon Cuneta, the mother of his ex-girlfriend KC Concepcion: “If there is anything we have to settle with each other, siguro maganda rin makapag-usap kami.”


Pakiramdam ni Piolo Pascual, nabunutan siya ng tinik sa dibdib matapos ang tila pagsisisi ni Sharon Cuneta sa mga nasabi niya noon nang magkahiwalay ang aktor at ang anak ng Megastar na si KC Concepcion.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Lunes, October 5, sinabi ni Sharon na sana hindi siya masyadong naging vocal sa emosyon niya noon, gaya nang maghiwalay sina KC at Piolo, at nakapagbitiw ng mga masasakit na salita laban sa Kapamilya actor.

Read: Sharon Cuneta reflects on her previous rants against Piolo Pascual

Nang hingan ng PEP si Piolo ng mensahe para kay Sharon, sinabi ng matinee idol, “It’s a thorn off my chest. Ayaw naman natin ng kaaway. I’m thankful for that.”

Nakausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Piolo sa SunPiology Run 2015 press conference para sa kampanya nitong “Kick Diabetes.”

Ginanap ang presscon nitong Martes, October 6, sa Max’s Restaurant Sct. Tuason, Quezon City.


PIOLO APOLOGIZES TO MEGA. Bukas din daw si Piolo sa posibilidad na makapag-usap sila ng Megastar.

“If there is anything we have to settle with each other, siguro maganda rin makapag-usap kami.

"Pero, of course, I’m thankful for it."

Humingi rin ng paumanhin si Piolo kung na-offend man niya si Sharon at ang kanyang pamilya noon.

“If there is anything I did to offend her and her family, I’m also sorry for it.

“Siyempre, just like what she said, nanay din, e. She’s entitled to that.

"That’s why I apologize for it as well," sabi ni Piolo, posibleng patungkol sa mga naapektuhan sa kanilang pamilya matapos silang maghiwalay ni KC noon.

Dagdag pa niya, “At the end of the day, tao lang naman tayong lahat; nagkakasakit tayo, nakakasakit, nasasaktan, nagpapatawad, nagmu-move on.

"Yun lang naman. Para walang problema, i-promote natin yung kagandahan ng puso natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon niya tungkol sa sinabi ni Sharon na masaya siyang nagkabati na sila ni KC?

Sagot ni Piolo, “Sino ba naman ang ayaw ng ganoon?

“Napakaliit ng industriya natin, napakaliit ng mundo ng showbiz para magkaroon tayo ng kaaway.

“Yun ang iniiwasan ko sa lahat.

"Ayokong pumapasok sa trabaho ko with a heavy heart, so I always make sure that I’m at peace with everyone.

“Hindi rin natin maiwasan ang makasagasa rin, makatapak ng tao.

"And I always make sure, kung sino man ang mga yun, ipinagdadasal ko, humihingi ako ng tawad.

"Kasi hindi rin naman tayo perpekto."

Sa posibilidad man na magkasalubong sila ni Sharon, sinabi ni Piolo na hindi isyu sa kanyang siya ang unang bumati.

“It’s a courtesy. Respeto rin sa nakatatanda, and, of course, senior.

“Ba’t naman makikipagtaasan ka pa ng pride?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN