Maine Mendoza reaches 2 million followers on Twitter; fourth on list of fastest-growing Twitter account

Maine Mendoza follows loveteam partner Alden Richards in having 2M followers on Twitter.


Muling pinatunayan ni Maine Mendoza ang kanyang pagiging "Queen of Social Media" dahil umabot na sa 2 million ang followers niya sa Twitter (@mainedcm) ngayong Sabado, October 10.

Ito ay sa kabila ng tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang pasukin niya ang mundo ng telebisyon bilang Yaya Dub sa "Juan For All, All For Juan" segment ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Ngunit mabilis ang naging pagsikat niya dahil na rin sa phenomenal loveteam nila ni Alden Richards, ang AlDub.

Sa loob ng tatlong buwan, bukod sa pagti-trending palagi sa Twitter ng AlDub hashtags, ay sunud-sunod din ang endorsements ni Maine.

Wala pang isang buwan mula naman nang maabot ni Maine ang 1 million followers sa Twitter, na nakuha niya noong September 14.

Read: Maine Mendoza hits 1M followers on Twitter

Ayon sa socialbakers.com, nadagdagan ng 1,070,587 ang followers ni Maine sa Twitter nitong nakalipas na buwan.

At pumang-apat siya sa listahan ng fastest-growing celebrities profiles on Twitter worldwide.

Kahilera niya sina Taylor Swift (No. 1 with additional 1,326,589 followers), Katy Perry (No. 2 with additional 1,215,052 followers), Ellen DeGeneres (No. 3 with additional 1,121,504 followers), at Jimmy Fallon (No. 5 with additional 1,048,705 followers).

Sa Pilipinas naman, si Maine ang No. 1 sa listahan ng fastest-growing celebrities profiles nitong nakalipas na buwan.

No. 2 ang ka-loveteam niyang si Alden.

Pangatlo si Joey de Leon, pang-apat si Vice Ganda, at panglima si Paolo Ballesteros.

Maliban sa pagkakaroon ni Maine ng 2 million followers sa Twitter, mayroon din siyang 1.3 million followers sa Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN