Kim Chiu confirms rekindled friendship with Maja Salvador: “Mas masaya mag-forgive.”

Ipinagtanggol ni Kim Chiu si Kris Aquino sa desisyon nitong umatras sa gagawin niyang pelikula na dapat sana ay entry sa Metro Manila Film Festival. Makakasama rin dapat sa pelikula sina Kim at Xian Lim.


Nagbigay ng maiksing pahayag si Kim Chiu hinggil sa unti-unting pagbuo muli ng nasirang pagkakaibigan nila ni Maja Salvador.

Sa guest apperance niya sa Tonight With Boy Abunda noong October 9, sinabi ni Maja na pabalik na ang dating pagkakaibigan nila ni Kim.

Taong 2013 nang masira ang pagkakaibigan nina Kim at Maja dahil sa pagkakaugnay ni Maja kay Gerald Anderson, ex-boyfriend ni Kim.

Read: Maja Salvador on friendship with Kim Chiu: “Kasi kung nawasak yung dati, sobrang nadurog, eto paunti-unti binubuo.”

Pahayag ni Kim tungkol kay Maja, “Ay, oo, friends talaga kami.

“Tsaka mas maganda mag-forgive kesa sa buong buhay mo may burden sa loob. Mas masaya walang kaaway.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng press si Kim sa “BrighTEN,” ang10th anniversary celebration ng ATC Healthcare, nitong Sabado, October 10.

Endorser si Kim ng isa sa mga produkto ng nasabing kumpanya.



ON MMFF ENTRY. Samantala, inusisa rin ng PEP si Kim tungkol sa balitang pag-atras ni Kris Aquino sa dapat sana'y Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila.

Makakasama dapat ni Kris sa pelikula sina Mayor Herbert Bautista at ang tambalan nina Kim at Xian Lim.

Read: Kris Aquino apologizes for dropping out of MMFF movie with Mayor Herbert Bautista

Sabi ni Kim tungkol sa desisyon ni Kris, “Irespeto na lang natin siya.

"Siguro naman naka-gain na siya ng respect [from] each and every people sa industriyang ito and mga fans niya."

Hindi pa raw sila nakakapag-usap ni Kris pero pinadalhan niya ng mensahe ang kaibigang TV host-actress para i-comfort ito.

“Pinost niya yung 'I'm sorry, I'm a jerk' sa Instagram. Sabi ko, 'Ate, hindi ka ganun.'

"Parang yun yung decision niya, so let's just respect," patuloy ni Kim.

Read: Kris Aquino clarifies her decision to pull out of MMFF movie has nothing to do with Mayor Herbert Bautista

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakaramdam daw ng panghihinayang si Kim kung sakali mang hindi matuloy ang pelikula. Ito kasi dapat ang kanyang ikatlong MMFF experience.

Ang dalawang naunang niyang MMFF movies ay ang Shake, Rattle & Roll X noong 2008 at I Love You, Goodbye noong 2009.

Sa tanong naman kung itutuloy pa ba ang pelikula, paiwas na sumagot ang aktres.

“Hindi pa namin alam, e.

“Si Tita Malou daw ang magsasabi sa inyong lahat,” ani Kim, na ang tinutukoy ay ang Star Cinema managing director na si Malou N. Santos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN