James Reid and Nadine Lustre not closing doors on possible reel to real relationship in the future

Ayon kina James Reid at Nadine Lustre, hindi talaga maiiwasang may fans na umaasang hindi lang sa telebisyon o pelikula ang kanilang relasyon kundi maging sa totoong buhay. Pero iniiwasan daw nila ito dahil ayaw nilang magkaroon ng kumplikasyon sa kanilang trabaho.


Kahit ang entertainment press na naging tagahanga na ng On The Wings Of Love (OTWOL) ay interesado ring malaman kung magli-level up ba sa totoong buhay ang kilig na hatid ng mga bida ritong sina James Reid at Nadine Lustre.

Sa #OTWOLMediaDay ngayong Lunes ng tanghali, October 12, ito ang inusisa ng entertainment press sa dalawa.

Posible nga bang maging totohanan na ang relasyon nina Clark (James) at Leah (Nadine) sa totoong buhay?

Tugon ni James, “Hindi naman po… mahirap. Choice lang namin.

"And friends lang talaga kami. Just until there."

Sabi naman ni Nadine, “Tingnan po natin.

"Pero sa ngayon po kasi, talagang naka-focus po kami sa work.

“At talagang nagwu-work siya ngayon, ayaw po naming maging complicated.

"Kasi, what if magkaroon po kami ng away or something, siyempre mahirapan po magtrabaho pagka meron pong ganun."

Para sa kanila, boyfriend at girlfriend material ba ang isa’t isa?

Tugon ni James, “Oo naman.

"Si Nadine, maalaga. She’s always asking me what to eat.

"She’s always asking me if I’m okay, something like that.

"She’s very maalaga."

Ayon naman kay Nadine, “Opo, kasi ako naman po, hindi naman depressed, pero very emotional po kasi ako in real life po.

"Hindi lang po as Leah, pero most of the time, parang tahimik lang po ako, ganyan.

“Pero siya [James] lang po yung nagpapatawa sa akin, yung mga jokes po niya, at nagmi-make faces siya.

"Gusto ko po kasi yung palaging nagpapatawa sa akin."



NOT CLOSING THEIR HEARTS. Marami rin sa kanilang mga tagahanga—partikular na ang kanilang fans na tinatawag na #JaDine—ay patuloy pa ring umaasa na magkatuluyan sila.

Isinasara na ba nila ang kanilang mga puso para sa isa't isa?

Sabi ni James, “In the future? Really, who knows?

"I mean, I said the two of us working together, ayaw namin ng complications. Who knows?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiti namang sagot ni Nadine, “Ayun po, same...

"Sorry po nai-stress ako sa question.

"So, yun nga po, mahirap po talaga, e, yung may [relasyon]… magkaroon tapos mag-aaway.

“Yun po talaga ang ayoko.

"Lalo na po ako, very emotional po ako, very sensitive po ako."



BASHERS. Tinanong din ng PEP during the presscon proper kung ano ang masasabi nila sa bashers.

Ilan kasi sa mga ito ay nagpapakita ng disgusto kapag may kasama silang iba, lalo na sa parte ni James.

Nitong nakaraang mga linggo, kumalat sa Internet ang mga larawan ni James kasama ang aspiring actress na si Debs Garcia ng teleseryeng Ningning.

Depensa ng 22-year-old Kapamilya hunk, “I mean, now, medyo iniwasan ko [gimik] ‘coz I really don’t have time, we’re so busy.

“Pero that’s really how I am. Just like before… I have a lot of friends.

"So, minsan, the fans get upset. Pero I think they personally understand."

Sinegundahan naman siya ng ka-loveteam.

Ayon sa 21-year-old actress, “Well, I guess it's normal naman po talaga kasi nga po love team.

“Sa akin po, minsan po yung mga nakakasama ko...

"Most of the time po kasi ang mga nakakasama ko ay taga-Viva din po, mga common friends din po niya, kilala din po niya."

Aminado naman sina James at Nadine na nasasaktan sila minsan sa pamba-bash sa kanila.

Kaya naman daw nagpu-post minsan si James sa Instagram ng kanyang saloobin.

Read: James Reid posts cryptic messages on Instagram after sighting with Ningning star Debs Garcia

Ani James, “Usually, I can just ignore it, but sometimes, it build up too much.

"Nakaka-stress and everything.

"You know what, it’s normal for people to post [on Instagram] once in a while."

Sabi naman ni Nadine, “Pag naba-bash siya, naba-bash din ako.

"Minsan po kasi masyado po silang nagiging personal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pati po yung parents ko, nababa-bash, nadadamay din po.

“Pero ini-ignore ko na lang po.

"Kasi kung papatulan, sasabihin pa sa 'yo, pumapatol ka.

"So, huwag na lang pong pansinin."

Diin nina James at Nadine, hindi talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng bashers ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN