James Reid on rumored romantic relationship with newbie Debs Garcia: “Nothing. Friend ko lang siya.”

Ayon kay James Reid, ilang beses pa lang silang gumigimik ng newbie actress na si Debs Garcia. Wala rin daw espesyal na namamagitan sa kanila.


Muling iginiit ni James Reid na magkaibigan lang sila ng baguhang aktres na si Debs Garcia.

“Nothing. Friend ko lang siya,” sabi ng 22-year-old On The Wings Of Love (OTWOL) nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kung ano ang relasyon niya sa Ningning star.

Ayon pa kay James, hindi sila madalas lumabas ni Debs; mga isa o dalawang beses pa lang daw.

Matatandaang kumalat sa Internet nitong nakaraang Setyembre ang larawan nina James at Debs na magkasama sa isang music festival, kung saan may kuha pang magkayakap sila.

So, walang espesyal na namamagitan sa kanila?

“No. No, no,” diin ng Kapamilya star.

Nakausap ng PEP si James at ang ka-love team niyang si Nadine Lustre at co-star nilang si Albie Casiño sa ginanap na #OTWOLMediaDay ngayong Lunes, October 12, sa 14thfloor ng ELJ Building ng ABS-CBN.

OTWOL UNTIL FEBRUARY 2016. Masaya sina James at Nadine dahil extended hanggang February 2016 ang kanilang teleserye sa ABS-CBN.

Bukod pa rito, palaging trending sa Twitter ang kanilang episodes lalung-lalo na tuwing may kissing scenes sila.

At the latest count, umabot na raw sa labing-isang eksena ang kanilang halikan sa labi.

Mag-asawa ang papel na ginagampanan ni James bilang Clark at ni Nadine bilang Leah sa On The Wings Of Love.

Ayon sa dalawa, parang naging normal na sa kanila ang mga eksenang ganun at hindi na nila napag-uusapan pa.

Tawanan lang daw sila bago at matapos kunan ang kanilang kissing scenes.

Saad ni Nadine, “Before po tawanan po, and after po, tawanan pa rin nang tawanan.

"Ganun naman po all the time kasi sa tingin ko po, medyo nasanay na din po kami sa mga kissing scenes."

Natatawang sabi naman ni James, “Oo, nasanay na kami!

"Actually, we don’t talk about it. It’s just natural."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang feeling nila na overwhelming ang pagtanggap sa OTWOL dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa?

Sabi ni James, “It’s overwhelming. Grabe yung feelings!

"It’s a new experience kasi ito yung first teleserye namin.

"At ang daming OTWOListas, achieve na achieve."

Masayang dagdag naman ni Nadine, “Super happy po.”

Kung kinikilig daw ang OTWOListas o fans ng kanilang teleserye, sila man daw ay kinikilig.

Sabi ni James, “Yun ang character namin so dapat ma-feel ang kilig, it was part of the story, so siyempre po.”

Ayon naman kay Nadine, “Yun po, e, we have to be in character po.

"Kasi siyempre, yung mga ganung eksena po, sino ba naman ang hindi kikiligin?

"Lalo na po at ako pa po yung nandun at kaeksena ko pa po siya.

"So, so super-nakakakilig naman po talaga."

Sa naturang presscon din ay inamin ng dalawa na hindi nila isinasarado ang kanilang mga puso sa posibilidad na magkaroon sila ng tunay na relasyon sa hinaharap.

Read: James Reid and Nadine Lustre not closing doors on possible reel to real relationship in the future


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN