Angel Locsin endorses Bayan Muna Representative Neri Colmenares for senator

Sawa na raw ang aktres na si Angel Locsin sa mga pangako ng mga kandidato na lalabanan nila ang kurapsiyon sa gobyerno. Napapako lang daw ang mga ito at puro campaign slogans lamang. Kaya naman tahasan niyang iniendorso ang pamangking si Bayan Muna Representative Neri Colmenares (center) sa balak nitong pagtakbo sa pagka-senador dahil naniniwala raw si Angel sa kanyang integridad. Kasama nila sa larawan ang dating Bayan Muna Representative na si Satur Ocampo (right).


Pormal nang nagsimula ang election season nitong Lunes, October 12, ang unang araw ng pagpa-file ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa May 2016 elections.

Marami ring mga artista ang nag-file na ng kani-kanilang COCs para sa iba’t ibang posisyon.

Read: Jolo Revilla, Alfred Vargas, Jeremy Marquez file COCs on first day

Hindi man tatakbo sa anumang posisyon, nagpunta ang aktres na si Angel Locsin sa Commission on Elections (Comelec) office sa Intramuros, Manila, kahapon.

Sinamahan ng 30-year-old Kapamilya star si Bayan Muna Representative Neri Colmenares sa pag-file nito ng kanyang COC para sa pagka-senador.

Si Colmenares ay kamag-anak ni Angel o Angelica Locsin Colmenares sa totoong buhay.

Magpinsan ang kanilang mga ama.

Tatakbo si Colmenares sa ilalim ng ticket ni Senator Grace Poe.

Sa panayam sa kanya sa ABS-CBN News Channel, sinabi ni Angel tungkol kay Colmenares, “Naniniwala kasi talaga ako sa kanya.

“Isa siyang napakabuting tao na alam kong 100 percent yung sincerity niya sa pagtulong, hindi lang dahil meron siyang personal na gustong magawa sa sarili niya, kundi dahil gusto niya lang talagang mapaganda ang Pilipinas.”

Nangako rin ang aktres na sasama sa kampanya ng itinuturing na rin niyang pinsan kapag bakante ang kanyang schedule.

Samantala, pagkatapos ng filing sa Comelec, nag-post si Angel sa Instagram ng kanyang pananaw sa mga kumakandidato sa bawat halalan.

Aniya, “As election looms, there are many politicians who would claim that they are against corruption. But most of the time, these are mere campaign slogans. We need someone who practices what he preaches, and is consistent in fighting for it… #NeriColmenaresForSenator
#FighterNgBayan
pic CTO :)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN