Nadine Lustre denies she and James Reid are competing with AlDub

Nadine Lustre on talks that James Reid was seen with another woman: "Kapag ganun po, sasabihin naman po niya sa akin. He tells me everything naman po. There’s nothing to worry about.”


Clueless si Nadine Lustre sa diumano’y pagmumolde ng ABS-CBN sa kanila ng ka-love team na si James Reid, ang JaDine, bilang pantapat sa AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub).

Nagulat si Nadine nang tanungin siya ng press tungkol dito sa thanksgiving presscon para sa teleserye nila ni James na On the Wings of Love, noong Lunes, October 12, sa 9501 restaurant ng ELJ Building sa ABS-CBN.

Sabi ng Viva star, “Pangtapat? We’re not trying to ano, e...

"This the first time na narinig ko po 'yan."

Phenomenal na maituturing ang success ng On the Wings of Love sa Pilipinas at maging sa ibang bansang may The Filipino Channel (TFC).

Trending palagi ang kilig scenes nina Nadine at James. Maging ang mga merchandise ng show ay mabilis na nauubos.

Phenomenal din ang AlDub dahil record-breaking ang hashtagas nila sa Twitter at sunud-sunod ang kanilang endorsements.

May mga naniniwalang makakalusot ang JaDine para makahabol sa lakas ng AlDub.

Pero giit ni Nadine, “We’re not competing naman.

"We don’t look at things na parang ganun.

“Hindi naman po competition ang tingin namin.

"Kasi po we’re all the same. Pare-parehas po kami ng henerasyon.

“At least, in the future, yung mga ka-generation namin, masasabing nagbigay kami ng saya.”

OTHER WOMAN? Sa kabilang banda, kakambal ng tagumpay ng On the Wings of Love ang pagputakti ng bashers kay James matapos kumalat ang larawan nito na may kasamang ibang babae sa isang event.

Napikon ang young actor dahil sa kakulitan ng fans.

Read: James Reid on rumored romantic relationship with newbie Debs Garcia: “Nothing. Friend ko lang siya.”

Ano ang nararamdaman ni Nadine tungkol dito?

“Hindi po muna ako nagsu-social media ngayon,” sagot ng 21-year-old actress.

Pero panatag ang loob ni Nadine sa mga isyung nagli-link kay James sa ibang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag ganun po, sasabihin naman po niya sa akin.

"He tells everything naman po. There’s nothing to worry about.”

Hindi ba sila napi-pressure ni James sa dami ng taong gustong magkatuluyan silang dalawa?

“Wala naman po,” sagot ng Kapamilya star.



SACRIFICES. Inamin ni Nadine na may kaakibat na sakripisyo ang kanilang personal life dahil sa love team nila ni James

“Opo, kasi love team. Pinasok po namin ang showbiz.”

Hindi ba puwedeng magpaligaw si Nadine sa iba?

“Hindi naman po. Wala po talagang time now.”

Wala raw ini-entertain si Nadine na manliligaw.

Pero welcome ba kay Nadine ang pagkakaroon ng love life?

Tugon niya, “Hindi ko po alam, e. Wala pong time, e.

"Para pong, ‘Iisipin ko pa ba ito?’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN